KALAYAAN. Huminga ng malalim si Krystinia at niyakap ang malakas na pagaspas ng hanging nagmumula sa karagatan. Inangat niya ang kamay at dinama ang init ng papalubog na araw. Ngayon lang yata niya na-enjoy ang kagandahan ng beach ng Oahu. Di niya masasabing bakasyon ang isang linggo niyang pananatili sa Hawaii. Habang nasa business conference si Warrick ay nasa spa naman siya ng resort para sa "training" niya. Mistulang pictorial session iyon dahil iyon daw ang ipapadala niya sa pamilya at mga kaibigan niya sa Pilipinas. Naplano na ni Warrick ang lahat. Kung nasa abroad nga naman ay di siya pagtatangkaang sundan ng pamilya niya. Kung tutuusin ay di naman siya napapagod sa mga simpleng pictorial lang. Napapagod siyang magpanggap at humabi ng kwento. Mabuti at wala siyang social networki

