Natagpuan ni Krystinia ang sarili sa isang madilim at malamig na silid. Nakadapa siya sa malamig na silid. Nang iangat niya ang tingin nang bumukas ang pinto. Nakita niyang naglalakad palayo ang ama niya, si Serafina at si Thirdy patungo sa pinto. “Papa! Mommy! Kuya!” Sinubukan niyang bumangon para humabol sa mga ito subalit may dalawang malalaking kamay na humila sa paa niya palayo sa mga ito. Isang matinis na tili ang kumawala sa bibig niya. “Papa! Mommy! Kuya! Tulungan ninyo ako!” Subalit hindi siya pinansin ng mga ito. Tuloy-tuloy lang ang mga ito sa paglalakad hanggang makalabas ng pinto. Isang nakakapangilabot na halakhak ang umalingawngaw sa buong silid. Halakhak ng isang demonyo. Halakhak ni Ludwig. Lumabas ito mula sa kung saan at hinaklit siya sa braso niya. Bumaon ang matatal

