Krystinia was in full battle gear as she stepped in Diamond Tower's elevator and pressed the 30th floor button. Mula sa salamin ng elevator ay makikitang na suot niya ang paborito niyang business suit. Nakapusod ang buhok niya at kahit ang make up niya ay nagsasabing, "she means business". Pakiramdam niya ay isda siyang nahuli sa isang lambat. Kung kailan inakala niya na may himala, saka siya hinila pabalik sa mundo ng realidad na walang himala sa mundo. Lahat ng bagay ay may kapalit. Awtomatikong ngumiti ang sekretarya nito nang lumapit siya sa mesa nito. "Good morning, Miss Valdesco. Sir Warrick is expecting you." At inilahad nito ang palad sa direksiyon ng pribadong opisina ni Warrick. Huminga siya ng malalim at kinalma ang nanginginig na katawan. Ayaw na sana niyang makita muna si W

