"Nervous?"
Napapitlag si Krystinia sa biglang pagtatanong ni Warrick. Nasa manibela ito at nagmamaneho sila palabas ng South Expressway mula sa Nuvali. Mula nang sumakay siya sa sasakyan nito ay ninenerbiyos na siya. Alam niyang tama ang desisyon niyang iwan si Ludwig pero di niya alam kung tamang sumama siya kay Warrick. And now she was a mass of nerves.
Mabilis niyang hinamig ang sarili at nilingon ito. "Should I be?"
"May sinabi ba sa iyo si Nadia tungkol sa akin na dapat mong ika-nerbiyos? Napansin ko na biglang naging tensiyonado ka mula nang magpaalam sa kanya," anito at tiningnan siya sa mapanuring mga mata.
Pinigilan niya ang sarili na iiwas ang mukha sa mapanuring tingin nito. She kept a straight face instead. "Kung anuman ang sinabi niya, compliment iyon para sa iyo."
Siyempre hindi niya kukumpirmahin dito ang tungkol sa sinabi ni Mona na legendary prowress in bed nito. Baka isipin nito na gusto niyang ma-experience first hand.
"Why do I have this feeling that its not?” Kumunot ang noo nito. “You are safe with me. Sa maniwala ka at sa hindi, hindi ko kailangang mamilit ng isang babae. Hindi ako gagawa ng bagay na di mo gusto."
"So where are you taking me?"
"Malapit na tayo."
Lalo lang siyang kinabahan sa sagot nito. Kung sagot ngang matatawag iyon. It didn’t reveal anything. Saan ang malapit na? Maya maya pa ay natuon ang atensyon niya sa malaking ferris wheel ng isang sikat na theme park. Wala siyang hilig sa theme park. Iniisip niyang masyado na siyang matanda para mahilig doon. But there was something about the sight of it that revives the child within her. The child who never was.
Makalipas ang ilang minuto ay nagulat siya nang pumasok sila sa parking lot ng Enchanted Kingdom. “We’re here,” wika ni Warrick at inalalayan siyang bumaba.
Nakamaang niya itong tiningnan. “Anong ginagawa natin sa theme park?”
"You look like a princess. At hindi yata bagay sa isang prinsesa na manatili sa issng boring na party. I think you will shine here."
Bahagya siyang natawa nang masalubong ang mga batang nagkakagulo palabas ng theme park at papunta sa tour bus ng mga ito. “Shine here, huh!” Parang hindi nga siya bagay doon. Sila lang yata ni Warrick ang pormal ang suot. “Mukhang out of place nga tayo.”
“Not out of place. We’ll stand out.” At kinindatan siya nito.
"Seryoso ka ba dito?"
"You are never too old for a carousel ride. Come." Ginagap nito ang kamay niya at hinila siya papunta sa cashier window.
“Sir, hindi na po kayo pwedeng pumasok,” sabi ng cashier sa window. “Magsasara na po kami sa loob ng isang oras. Close na rin po ang counter natin.”
“My girlfriend wants a carousel ride. Birthday kasi niya ngayon at gusto niya sana na doon i-spend ang huling sandali ng birthday niya.”
Hinawakan niya ang braso nito. “Warrick…”
Hindi naman nito kailangan pang magsinungaling para sa kanya. Nakakahiya naman iyon. Naa-appreciate naman niya na gusto nitong aliwin siya.
Inilabas nito ang smartphone at may in-encode doon saka ipinabasa sa cashier. The cashier sighed and with a romantic glassy look in her eyes. “Sige po, Sir. Carousel ride lang naman po.” Ibinigay nito ang stub kay Warrick. “Goodluck, Sir. Enjoy your ride, Ma’am and Happy Birhday!”
“T-Thank you,” nausal na lang niya at iginiya siya ni Warrick palayo. “That’s silly. Hindi mo na ito kailangang gawin para sa akin. Nagsinungaling ka pa tungkol sa birthday ko. Ano nga palang sinabi mo sa cashier?”
“Na magpo-propose ako ng kasal sa iyo sa carousel. And she looks like the romantic type. Kaya pumayag din siya.”
Nahigit niya ang hininga. Napaka-romantic nga ng sinabi nito. May ganoon pa bang klase ng lalaki na mag-e-effort mag-propose para sa nobya nito? Hindi niya alam dahil di pa naman niya nararanasang ma-in love. At wala pa ring lalaking nai-in love ng todo sa kanya. Maybe love was not even for her.
Nanlabo ang mata niya habang nakatitig sa enggrandeng carousel. Pakiramdam niya ay nasa isang fairy tale siya. Emotions surged within her along with an old memory. "Hindi pa ako nakapunta dito o sa kahit anong theme park."
"I don't believe that."
"My father was too busy and my mother was too sick.” Nangako ang papa niya na dadalhin siya sa Disneyland kapag pumupunta ito sa mga business meeting nito sa Amerika at Japan pero kapag malapit na ang flight nito ay sasabihin nitong wala na itong oras para mamasyal pa sila kaya di na lang daw sila tutuloy. Umasa lang siya sa pangakong napako. “Before I knew it, I was too old for theme parks. I prefer to visit museums and art exhibits.”
“A carousel ride won’t hurt.”
Carousel ride lang naman. Hindi naman iyon kung anong delikadong ride na buwis-buhay. Kahit naman noong bata siya ay carousel ride talaga ang gusto niya. Her mother used to associate it with kingdoms and princes and princesses.
Nang sumampa siya ay bahagya siyang nawalan ng balanse dahil sa suot niyang high heeled pumps. Subalit mabilis naman siyang nasalo ni Warrick. Nahigit niya ang hininga sa lapit ng katawan nito sa kanya. His body was strong. As if he was ready anytime to catch her when she falls. Napapikit siya sa mabangong amoy nito na lumukob din sa kanya.
“Careful,” bulong nito at inalalayan siya hanggang makatayo siyang mabuti.
Pakiramdam niya ay nasa lalamunan na niya ang puso niya. “O-Okay na ako.”
Subalit hindi siya nito pinakawalan hanggang makaupo siya sa carriage na nasa tabi ng mga kabayo. Hawak pa rin nito ang kamay niya na parang gusto siyang laging alalayan. She was like a precious ornament. She felt special. Si Warrick lang ang nagparamdam ng ganito sa kanya. And it seems fine to put her guard down. Parang walang mangyayaring masama sa kanya kapag kasama niya ito. Ito na ang bahalang magprotekta at mag-alaga sa kanya. And he could definitely make her smile and even laugh with his antics. Ngayon lang siya naging ganito kakomportable sa isang tao. At sa lalaki pang di niya lubusang kakilala.
"I have to bring you home before midnight,” sabi nito makalipas ang tatlong beses na pagsakay sa carousel.
"You make me feel like Cinderella."
"Magsasara na sila. Sa susunod na lang tayo pumunta dito. You can play princess the whole day long. At pwede na rin nating subukan ang ibang rides nila."
"Gusto mo ulit lumabas kasama ako?" gulat niyang tanong.
"Why not? I am enjoying your company. It makes me happy when you are happy. You are really beautiful when you smile."
Sa pagkakataong ito ay itinodo na lang niya ang ngiti niya. Kakaibang tuwa ang naramdaman niya. Kung tutuusin ay wala naman siyang ginawa para dito. Na-enjoy pa rin nito ang company niya? Anong dapat niyang sabihin dito? Na aasahan niya ang pangako nito?
“Maghintay ka lang dito,” sabi nito at pumasok ng souvenir shop. Pasimple niyang tinanaw kung anong binibili nito sa souvenir shop pero may dinampot lang ito sa counter at pagkatapos magbayad ay lumabas na siya. Nasa loob ng maliit na paper bag ang binili nito. “Let’s go,” sabi nito paglabas.
Pagsakay sa kotse nito ay nakapatong lang sa kandungan niya ang mga kamay niya. Para kanino kaya ang souvenir na binili nito. Pero dahil di naman niya maitanong dito kaya nagkasya na lang siya sa pagtingin sa theme park habang papalayo sila.
“Okay lang ba sa iyo na maging bata sa isang araw? Nasubukan mo na ba iyon?” tanong niya at tiningala ang malaking ferris wheel.
“At kakalimutan ang lahat ng responsibilidad ko? Not yet. Wala akong oras magbuhay-bata dahil may goals ako na kailangang abutin. Kaya sabihin na lang natin na excuse ko ang pagdadala sa iyo dito para makapag-carousel ride nang may kasama,” anitong may pilyong ngiti. “Sana makasama kita ulit sa susunod.”
“Well, let’s see.” Saka siya sumandal. She could easily lose herself in that fantasy world with him. Pero may totoong mundo sa labas ng lugar na iyon.
“I can see your mind working overtime. Goals, responsibilities and expectations, right? As if you can’t afford to enjoy yourself even for a while.”
Itinirik niya ang mga mata dahil nabasa nito ang iniisip niya. “You have no idea.”
Inabot nito ang paper bag sa kanya. "Here.”
Kumunot ang noo niya at binuksan iyon. “A magic wand? Aanhin ko naman ito?”
“Gamitin mo kung may hiling ka. Matutupad ang lahat ng iyon."
Umiling siya at natawa. "That is silly."
Sino pa ang naniniwala sa ganoong klaseng kalokohan? Definitely not Warrick Evaristo who was a CEO of an investment company. At lalo namang hindi siya dahil nananalaytay pa rin sa dugo niya ang pagiging magaling na businesswoman kung saan ang mga plano at pangarap ay di nakukuha ang katuparan sa simpleng hiling at kumpas lang ng magic wand.
"But its true. Sabi ng isang special na babae sa akin. At natupad nga ang lahat ng gusto ko."
Nawala ang ngiti sa labi niya. "Sinong espesyal na babae? A girlfriend?"
Hindi yata niya gusto ang pakiramdam na i-associate nito ang aksiyong iyon sa ibang espesyal na babae. O kaya ay sa nobya nito. It was like violating everything they shared.
"My sister.” Nakahinga siya ng maluwag. Sa kapatid naman pala nito. “So what is your wish?"
Mahigpit niyang hinawakan ang magic wand at mariing pumikit. Saka mahinang umusal ng hiling niya. "I want my job back. No more lousy dates. And I want freedom." Gusto rin niyang maramdaman kung paano mahalin nang di namamalimos. Na maging masaya siya nang di kailangang paghirapan. Tulad ngayon. Dumating si Warrick sa buhay niya nang di inaasahan, di pinaplano pero isa itong magandang sorpresa para sa kanya. Dumilat siya at itinuon ang mga mata dito. "Sana mas maaga kitang nakilala. Hindi ko na sana pinagtiisan si Ludwig."
"Lahat ng bagay ay nangyayari sa tamang oras, panahon at pagkakataon. Naniniwala din ako na may dahilan kung bakit tayo nagkakilala. At natitiyak ko na hindi ito ang huli nating pagkikita,” anito at hinaplos ang mukha niya.
Hinawakan niya ang kamay nito na nakahawak sa mukha niya. "Thank you, Warrick. Hindi ko inaasahan na magiging espesyal ang gabing ito. Sana masundan pa ito." kinagat niya ang pang-ibabang labi. Hindi naman siya masyadong excited. Hindi pa nga sila naghihiwalay ay gusto niyang makasama ulit ito.
"Off course. I'll keep in touch." Kinintalan nito ng halik ang likod ng palad niya. "Goodnight."
Nanatili siyang nakatayo sa harap ng bahay nila. Bumuntong-hininga siya. Exactly midnight. But the magic was real because she still had the magic wand and the imprint of his kiss.
Impit siyang tumili nang makapasok sa kuwarto niya at iwinasiwas ang magic wand. Parang teenager siya na kilig na kilig sa first crush niya. Come to think of it. Noong bata siya ay wala siyang panahon sa mga crush-crush o ligaw-ligaw. She missed a lot and spending one night with Warrick surely made up for the lost time.
Sana ay tawagan siya nito. Sana ay malapit na ang panahon na muli silang magkikita ni Warrick. Natigilan siya. Paano nga pala mangyayari iyon kung wala silang numero ng isa't isa?
Gusto kong marinig ulit ang boses niya. Gusto ko ulit makita siya. At alam ko na gagawa siya ng paraan para magkausap at magkita kami.
Naniniwala siyang mangyayari iyon dahil iyon ang hiniling niya sa magic wand na bigay nito.
"YOU are glowing, Krystinia," puna ni Serafina habang nagmimiryenda sila sa isang Japanese restaurant sa Makati. "Ngayon lang din kita nakitang na-excite na mag-shopping at magpa-spa. Mukhang nag-enjoy ka sa party na pinuntahan ninyo. Parang hindi ka puyat at masayang-masaya ka."
"Pwede po ninyong sabihin 'yan," sabi niya at di maitago ang ngiti. Sa agahan pa lang kanina ay nagyaya na siyang mag-shopping at magpa-spa dito. Sa sobrang excitement nga niya ay sila na ang nagbukas ng Greenbelt. Samantalang dati ay bakas ang disinteres sa mukha niya at parang bored na bored siya sa buhay kapag nagsa-shopping. Parang ngayon pa lang niya nadidiskubre ang kaligayahan ng isang babae kapag namimili. Ganoon siguro kapag pinaglalaanan ng pagpapagandahan. Magkakaroon ka ng interes sa mga bagay na dati naman ay parang pag-aaksaya lang ng oras.
Puno ng interes siya nitong pinagmasdan. "Akala ko pa mandin bored na bored ka kay Ludwig."
Itinirik niya ang mga mata. "Huwag na po ninyong banggitin pa ang pangalan niya, Mommy. Hindi na ninyo siya makikita pa na kasama ko kahit na kailan. Inaksaya lang niya ang oras. Sa palagay ko mga babaeng may mahabang pasensiya lang at may mababaw na gusto sa buhay ang magtitiyaga sa katulad niya." Ngayon pa lang ay naaawa na siya sa susunod na babaeng ide-date nito.
"Kung hindi si Ludwig, sino siya?"
"Malalaman din po ninyo kung sino siya," aniya at sumubo ng teriyaki.
Inabot siya hanggang alas tres ng madaling araw sa pagbabasa internet articles tungkol kay Warrick. Working student ito. Nag-part time ito sa stock market at mukhang may talento ito pagdating sa pagpe-predict ng market trend. Nagtrabaho ito sa stock market, nakaipon at sumunod ay bumili ito ng mga kompanyang pabagsak na at binubuhay ulit saka ipinagbibili. Dahil sa pagsisikap nito at kasipagan kaya lalo siyang na-attract dito. Idagdag pa ang magandang pamamalakad nito at pagtrato sa empleyado. Ang nagpadismaya sa kanya ay ang mga babaeng nakaka-date nito. They were beautiful and sophisticated. Women who knew how to hold a man's attention. Maganda rin naman siya. A little enthusiasm and make up can do the trick. Kailangan niyang paghandaan ang muli nilang pagkikita ni Warrick.
"Gusto kong i-try ang fiery red gown na nakasuot sa mannequin sa Crosita boutique."
Nasapo nito ang dibdib. "That gown is too seductive for your conservative taste."
"Mommy, oras na po siguro para ibahin ko ng konti ang image ko. A little seductive look won't harm me."
"Interesado na akong malaman kung sino ang lalaking bumuhay ng interes mo."
Pagdating nila sa bahay ay nakaabang na ang papa niya at si Thirdy sa sala. Parehong seryoso ang itsura ng mga ito.
"Maaga yata kayong dumating," sabi ni Serafina at humalik sa pisngi ng mga ito.
"Kinausap ako ni Ludwig kanina sa opisina. Iniwan mo daw siya sa party at iba ang naghatid sa iyo sa bahay," sabi ni Teodicio nang magmano siya dito.
Nakapagsumbong na pala si Ludwig dito. Parang bata talaga ito na may baltik. "Papa, hindi naman niya ako inaasikaso. He was drinking and gambling with his friends. Habang iniwan niya akong mag-isa sa party. Di ko matatagalan kasama ang katulad niya. Do you really expect me to like that kind of man?"
Di na lang niya binanggit na may iba pa silang pinuntahan dahil ngayon pa lang ay nararamdaman na niya ang tensiyon mula sa mga ito.
"Pero si Warrick Evaristo ang naghatid sa iyo? Gaano mo siya kakilala para sumama sa kanya?" tanong naman ni Thirdy.