"Anong ibig mong sabihin Dad? Ano ba talaga ang nangyayare dito? At ano ito!" Hawak nito ang kapirasong papel na naglalaman ng DNA test results nila ng kinikilala n'yang ama. "Anak, wala lang ito!" "Mom, hindi ito wala lang DNA test ito namin ni Dad. At bakit negative?" "Dahil ako nga ang Ina mo! Magkapatid lang kayong dalawa!" "Ma! Tumigil ka na please! Lalo mo lang pinapagulo ang sitwasyon ba namin." Saway ni Olive sa Mama nito na pinipilit na sinasabing s'ya ang Ina nito. "Olivia, please naman makinig ka sa akin." Pinaharap ni Minerva sa kan'ya ang panganay n'yang anak. "Ma!" "Ako ang Ina ni Andrew. At please lang makinig ka muna." Mahina ngunit may diin na sabi nito. Gus'to n'ya na tanggapin nito ang kan'yang mga sinasabi. "Paano? Paanong naging ikaw ang Ina ko?" "Dahil i

