THIRD PERSON POV: Ikalawang beses na ito Marbert, at ganito pa din ang resulta. Hindi mo anak si Andrew." Madiin na sabi ni Javier. Galing si Marbert sa mansyon ni Andrew nitong nakaraan. At napag-alaman n'ya na din na umalis si Jamie sa poder nito. Hindi n'ya muna sinabi dito ang kan'yang nalaman. Gus'to n'ya muna ay mas makasigurado pa. Kumuha s'ya ng palihim ng mga sample nito. Para madala kay Javier. At ngayon ay nasa harapan n'ya na ang resulta. Lahat ay nagsasabing negatibo. "Marbert, sana ay kausapin mo ng maayos ang asawa mo. H'wag mong daanin sa sigawan o pananakit sa kan'ya ang konprontasyon mo sa kan'ya." "Hindi ko na alam Javier, Noong nakaraan ay halos hindi na namin alam kung paano ba hindi na muling magsama si Jamie at Andrew. Dahil nga maling magkarelasyon sila. Dahil

