JAMIE's POV: Nang matapos kaming kumain ay nagkantahan na muna sila. May mga dala din pala ang mga ito na inumin. Naupo ako at inabutan naman ako ni Yohan ng ladies drink. Handa talaga ang mga ito. Lumapit din sa akin sila Andrei at Yohan. So bale nasa magkabilang gilid ko sila. "Cheer's!" sigaw nila sabay pinagtungga ng mga ito ang kanilang iniinom na ca "Sali ka!" Ani ni Andrei sa akin. Sa kanilang lima ito. S'ya ata ang pinaka-maingay. Habang si Zeuz naman ang pinaka-seryoso. Nang mapatingin ako kay sir Mayor ay nakatingin din pala ito sa akin. Hindi ko kayang tumingin sa kanya ng matagal. Kaya umiwas ako ng tingin. "Bakit naman kaya nakatingin ito sa akin?" tanong ko pa sa aking isipan. Ininom ko na lang ang ibinigay sa akin ni Yohan. Si Akhie kasi ay napagod na sa paglalaro.

