MAYOR ANDREW POV: Maaga akong nagising dahil ngayon may importante akong meeting kay Governor Levizte. Isa din s'ya sa hinahangaan ko sa larangan na pinasok ko. Dahil talagang wala itong bahid ng korapsyon. Kaya naman maganda din sa kandidatura ko ang kan'yang endorsement. Kaya naman kahit may mga barangay pa akong hindi napupuntahan ay mas inuna ko ang meeting sa kanya. Birthday din ni Akhie ngayon at nakahanda na din ang lahat para mamaya. Katatapos ko lang maligo ng marinig ko na tumunog ang aking cellphone. Nabasa ko ang pangalan ni Venice. Ganito naman ito palagi tuwing umaga. Kulang na lang ay dito s'ya sa bahay. Ganito s'ya sa akin.Simula ng pasukin ko ang buhay ng isang politiko ay palagi na itong nasa tabi ko. Kaya nga hindi ko din magawa na balewalain lang s'ya. Pero hindi ko

