"NASAAN tayo?" napatingin naman ako sa nagsalita. At gising na pala ang sleeping prince ko. Halos natapos na nga kami ni Akhie na kumain. At naikot ko na din ito sa malapit na area lang. Walang mas'yadong tao dito. Ang susi ng kotse ay maayos ko na din na naitabi at maging ang cellphone nito na hindi naman n'ya kailangan habang nandito kami. Siguro ay umuusok na ang bumbunan ni Venice ngayon. Dahil wala s'yang makontak na Andrew. Sa amin s'ya ngayon at hindi s'ya p'wedeng umepal. Syempre kapag nakausap nya sir Mayor ay baka magpasundo pa ito sa. Kaya kinailangan ko na gawin pa na ganito. "Sagutin mo ako! Nasaan tayo?" Muling tanong pa nito na napaupo na. "Kalma ka lang,Hon. Nasa isang beach resort tayo ngayon." sagot ko sa kan'ya. At tinawag ko pa talaga itong hon. Dahil ito naman ang

