"Baby,okay lang ba kayo ng Daddy mo d'yan?" Tanong ko dito. Dahil abala ako sa pagmamaneho. Tiningnan ko lang s'ya mirror na nasa harapan ko.Para makita ko ang kan'yang sagot sa mga tanong ko. Nagsusulat pa ito sa kan'yang sketch pad. Kaya ibinaling ko muna ang aking pansin. Mahirap ng makasagi kami. O makadisgrasya. Lalo pa at kasama namin ang Mayor ng Esperanza. Baka mabulilyaso pa ang aming outing. Nang muli ko itong tingnan ay nakasulat na sa kan'yang sketch pad ang sagot. Okay naman sila. At si sir Mayor, hanggang sa ngayon ay tulog na tulog pa din. Para s'yang tulog mantika. Hindi pa din nagbagao ang posisyon nito mula pa kanina. Baka pagdating namin sa beach ay masakit na ang leeg nito na sana ay h'wag naman. Dahil dagdag sermon kasi 'yon. Dala ko din ang cellphone n'ya at kani

