As I held it close, I felt an even deeper sadness and longing for Sheila, ang babaeng mahal na mahal ko. Kaya ko nga s'ya pinakasalan at ipinakilala sa aking pamilya. Hindi ko naman akalain na iiwan n'ya din agad ako. Hinayaan lang ako ni Jamie at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kan'ya. Humingi na din ako ng sorry sa kan'ya. Dahil sa nasabi ko kahapon. Hindi ko naman gus'tong sabihin ang mga iyon. Nadala lang ako sa aking emosyon. Lumayo ako ng bahagya sa kan'ya. Pero nakahawak pa din sa beywang nito ang aking isang kamay. Parang nakayakap pa din ako sa kan'ya. Nagtanong ito kung bakit ako humihingi ng sorry at ipinaliwanag ko naman sa kan'ya kung bakit. Nagpaalam na din ito na babalik na sa tent nila ni Aya. Pero pinigilan ko ito at hinawakan sa kan'yang kamay.

