MAYOR ANDREW POV: Nakikita ko s'ya na masaya habang nakatingin sa iba't ibang species ng isda. Kanina ay takot na takot pa ito,pero ngayon na na dito na kami sa ilalim ay tila nawala na ang kaba nito. Halos ayaw na nitong lumayo sa akin kanina. Pinagmamasdan ko lang s'ya. At kung titingnan mo ang bawat anggulo n'ya ay parang s'ya talaga si Sheila. Pero kailangan ko din na itatak sa aking isipan na magkaibang tao pa din sila. Hanggang sa mapagod ito at sumenyas na gusto n'ya ng umahon. Nang makaahon kami ay wala pa ang kasama namin. Nagpalinga-linga ako at nakita ko sila sa taas ng rock formation. Kasama nila si Akhie. Enjoy na enjoy naman ito. Dahil parang namimingwit na naman ng isda si Andrei. Ewan ko ba sa kaibigan ko na ito. Kahit noon pa man ay mahilig na ito sa gan'yan. Minsan ng

