JAMIE's POV: "Babalik na ako sa loob ng tent." nahihiyang sabi ko dito. Hindi dapat ako nagpapadala sa kan'ya. Mali ito! Maling-mali!" "Jamie,sandali mag-usap muna tayo." "Sir Mayor, please tama na." Binitawan naman nito ang kamay ko. Nagmamadali naman akong bumalik sa tent namin nila Aya. Pumasok ako at grabe ang kabog ng aking dibdib. Para bang nakipagkarera. Sobrang nahihiya talaga ako sa nangyari. Naupo ko sa bandang p'westo ng higaan ko. Tulog na tulog pa din si Akhie at maging si Aya. Parang sa nangyari ay mahihirapan akong makatulog nito. Pinilit ko na ipinikit ang aking mga mata. Habang si sir Mayor naman ay parang titingnan pa ata kung saan galing ang tumama sa ulo n'ya. Pasalamat ako at may nahulog sa ulo n'ya. Dahil kung wala au baka tuluyan ko ng naibigay sa kan'ya

