Hindi na alam ni Andrew kung saan ba s'ya papunta. Hanggang sa sumagi sa kan'yang isipan ang bar ng kaibigan na si Ran. Nang makarating ito sa sa location ng bar ay agad itong nagparking. Hindi n'ya alam kung anung oras ba. Pero hindi n'ya din magawang umuwi sa mansyon. Kung saan naman ay naghihintay sa kan'ya si Jamie at Akhie. "Oh! Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo dito?" Natatawang pabirong tanong sa kan'ya ni Ran na sakto naman na s'yang pumalit muna sa kan'yang may sakit na bartender. At since ito ang kan'yang negosyo. Kaya inalam n'ya lahat ng mga may kaugnayan sa negosyo na kan'yang pinasok. "Bigyan mo nga ako ng pinakamatapang na alak mo d'yan. Yung kaya akong mapatumba." Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Ran, dahil napansin n'ya an ang mood ng kan'yang kaibigan.

