"Sino ba kasi ang kapatid na kanina mo pa tinutukoy? Naguguluhan na talaga ako sa'yo!" Tanong ni Ran na kanina pa curious sa sinasabi ng kan'yang kaibigan. Ang alam kasi nila ay nag-iisang anak ito. "Late na ba ako?" Napalingon silang lahat sa biglang pagbukas ng pinto. "Late na late na!" Sagot ni Andrei at lumapit naman sa kanila si Yohan. "May narinig akong kapatid? Anong me'ron?" Takang tanong pa nito. "Ito nga at tinatanong namin si Andrew." "Andrew, sabihin mo na kasi sa amin ang problema mo. Hindi ka mag-iinom ng ganito kung hindi malaki ang problema mo." Muling tanong pa ni Ran. "Si Ja-Jaamie, a-anak s'ya n-ni d-dad." Sagot ni Andrew at hindi na nito napigilan ang kan'yang sarili na humagulhol. Hindi makapaniwala at wala din masabi ang mga kaibigan nito sa kan'yang

