Nagmamadali ang mag-asawa na magpunta sa hospital. Hindi na din nila alintana pa ang malakas na buhos ng ulan. "Bakit ngayon pa umulan ng ganito kalakas!" Inis na sabi pa ni Marbert. Halos wala na kasi itong makita sa dinadaanan n'ya. Sa sobrang labo. Dahil sa lakas ng ulan. "Bilisan mo na Love, baka kung anu na ang nangyari sa anak natin." Huminahon ka Olivia, nakikita mo naman kung gaano kalakas itong ulan. Baka kapag mas binilisan ko pa ay tayo naman ang mapahamak." Mahinahon na sabi ni Marbert sa kan'yang asawa na ramdam n'ya ang labis na pag-aalala nito para sa kanilang anak. Kahit naman s'ya ay sobrang nag-aalala na din. Pero mas gugustuhin n'ya ng bagalan ang kan'yang pagmamaneho. "Magiging okay ang anak natin." Hinawakan pa nito ang kamay ni Olive na hindi na napigilan ang k

