Pagdating sa hospital ay agad na hinanap nila kung nasaan ba ang mag-asawa at si Andrew na nasa kritikal na lagay pa din. Hindi din nila magawang magtanong sa mga nurse. "Ma'am Minerva, bakit hindi na lang po tayo magtanong?" "P'wede ba Susan, sumunod ka na lang sa akin. Hindi maaring malaman ni Marbert at Olive na sumunod tayo dito sa hospital." Sagot ni Minerva sa kan'yang kasambahay na hindi na naman maintindihan ang kan'yang amo. "Ma'am, mas mabilis natin na malalaman kung nasaan sila. Kung magtatanong po tayo." "Manahimik ka! Malamang sa emergency room nila dadalhin ang apo ko!" Napakamot na lang sa kan'yang ulo si Susan. Sumunod na lang s'ya dito. At may isang nurse silang makakasalubong. "Nurse,saan banda ang emergency room?" Tanong ni Susan dito. Dahil baka abutin sila ng

