"Ma'am Minerva, okay lang po ba kayo?" Natatarantang tanong ni Susan dito. "Umalis na tayo." Imbes na sagutin nito ang tanong ng kasambahay ay mas ginusto nito an umalis na agad. "Ma'am, bakit namumutla po kayo?" "Ang utos ko ang sundin mo Susan,umalis na tayo!" Pasigaw na utos nito at kahit nag-aalala sa kalagayan ng kan'yang amo na ubod ng maldita ay minahal n'ya pa din. "Ma'am, baka naman kailangan n'yo na ma-check up?" Tanong pa ni Susan habang nagmamaneho ito pabalik sa bahay nila Olive. "Kaya ko ito. Bilisan mo na lang magmaneho d'yan!"sagot ni Minerva dito. Hindi nito alam ang tungkol kay Andrew,dahil wala pa ito sa buhay n'ya ng ipagbuntis n'ya ang kan'yang bunso. "Ma'am, sana maging okay na si Sir Andrew. Sigurado akong nag-alala sa kan'ya ang mga magulang n'ya." "M

