JAMIE's POV: Ilang araw na ang lumipas mula ng mangyari ang aksidente kay Andrew. At hanggang ngayon ay umaasa akong maalala n'ya din akong muli. Ilang beses din akong nagpunta sa hospital para kausapin s'ya. Pero ang masakit ay palagi lang akong ipinagtatabuyan nito. Kaya mas minabuti ko na lang na hintayin s'yang bumalik dito sa mansyon. Mas madalas din ay nasa tabi n'ya ang bruhang si Venice. Para bang sa pagkawala ng kan'yang ala-ala ay tanging ako lang ang pinaka-naapektuhan. Ang sabi ng Doktor ay babalik din naman agad ang kan'yang nawalang ala-ala. Pero paano n'ya ako maalala kung ayaw n'ya na lumalapit Ako sa kan'ya. Ang sabi din ng Doktor ay h'wag s'yang pilitin na maalala ako. Dahil baka mas lumala pa ang lagay n'ya. Kaya ngayon ay excited akong umuwi. At least kapag nandit

