"Ay, k**i ng nanay mo!?" Napatigil si Mayor sa paghalik sa akin. Dahil sa biglang may sumigaw at bigla na din na nagkailaw. Kanina kasi ay tanging malamlam lamang na ilaw ng gamit dito. Dahil nakikita ko naman ang ginagawa ko ay hindi na ako nag-atubili pa na buksan ang ilaw sa gawi dito. Pero ngayon ay bukas na bukas na ito. Halos habulin ko pa ang labi ni Sir Mayor,nang ilayo n'ya ito sa akin.. "Anong ginagawa mo dito Margie?" tila inis na tanong ni sir Mayor sa kan'ya. Kung bakit naman kasi bigla na lang din itong sumusulpot. "Sorry po Mayor, nauuhaw po kasi ako. Nakalimutan ko na magdala ng tubig kanina. Hindi ko naman kasi alam na bet n'yo pala ni Ma'am na dito gumawa ng kapatid ni Akhie." Kakamot-kamot pa ito sa kan'yang ulo. Habang nagsasalita. At ako naman ay parang tinablan ng

