"Ay, sir naman bakit ka naman nanggugulat d'yan?" tanong ko sa kan'ya. Nakasunod nga pala ito sa akin. Nabusy ako sa paglalagay nitong kape n'ya. "Mabuti naman at marunong ka ng gumamit n'yan. Noong isang araw ay takot na takot ka pa." lumapit pa talaga ito para lamang sabihin iyon. At dahil sobrang lapit n'ya ay nag-uumpisa na naman n magrigidon itong puso ko. Kanina ay medyo kumalma na s'ya. Pero ngayon ay heto para na naman may tumatakbong kabayo dito. "Miss Gonzalez,may boyfriend ka ba?" Nagulat ako sa kan'yang tanong. Bakit sa dinarami-rami ng maaring itanong ay talagang ito pa ang itatanong n'ya sa akin. Tumingin ako sa kan'ya. Tinitingnan ko kung seryoso ba ito sa kan'yang tanong sa akin. At seryoso nga s'ya. Nakakunot pa kasi ang noo nito. "Bakit mo po naitanong sir Mayo

