JAMIE's POV: Gabi na at kanina pa din umuwi si Yohan. Si Aya kasi ay umalis ng hindi man lang nagpa-paalam sa amin. Hindi ko alam kung bakit s'ya umalis kaagad. Iniisip ko tuloy na baka nainis na ito sa akin. Si Akhie ay pinatulog ko na din muna. At dito ako ngayon sa terrace. Dahil gusto ko na mag-practice pa na gumamit ng heels. Sampu na matatas na heels ang nandito. Ang iba ay wedge heels na med'yo sa tingin ko ay mas kaya kong dalhin. Kung bakit naman kasi kailangan pa ng ganito. Uso naman ang flat sandals ngayon. Dun kasi ako sanay. Kaya mas gus'to ko na ganoon ang mga sinusuot. Dahil doon ako komportable. Pero dahil kailangan ang mga ito sa trabaho ko ay kailangan kong matuto. Kahit mahirap. Una kong sinukat ang medyo mababa lang. Ito ang ginamit ko kanina na halos magkandatapilok

