Second day na ng tutorial ko kay Aya. At nanganglay na ako sa kakalakad na may libro sa ulo. "Chin up Miss Jamie," utos ni Aya na ginawa ko naman. Dahil gus'to ko ng matapos kami dito. Nakakapagod na ang pabalik-balik. Partida wala pa akong heels. Pero panay ang laglag ng libro sa ulo ko. Hanggang sa magawa ko din s'ya ng tama. "Okay na yan, ito naman ang isuot mo." Ibinigay nito sa akin ang medyo may kababaan pa na heels. "Sana kayanin ko." "Kaya mo yan." pagpapalakas pa ng loob nito. Kung siguro masungit si Aya na tutor. Baka sumuko na talaga ako. Kaya lang sobrang bait talaga nito. Kaya kahit mahirap ay ginagawa ko ang lahat ng sinasabi n'ya. Dahan-dahan na akong naglakad at nakaka-ilang hakbang pa lamang ako ay nawalan na agad ako ng balanse. "Jamie!" dinig kong tawag sa

