"Hindi gan'yan ang tamang paghawak ng kubyertos. Dapat ganito." sabi ni Aya sa akin. Seryoso itong tinuturuan ako. Habang ang anak ko naman ay abala sa library. Kasama si teacher Angel. May klase din s'ya ngayon. At kami naman nila Aya,kasama si Yohan ay nandito sa itaas. Sa may terrace. Dahil mas maganda nga naman dito. Walang magiging istorbo sa aming ginagawa. May nakaset up lang dito na mesa. Kung saan ay nakalagay ang mga kailangan n'ya. "Bakit kasi kailangan ko pa itong gawin?" tanong ko sa kanila. Kung tutuusin kasi ay hindi naman ako kailangan na iharap ni sir Mayor sa mga kakilala. Ang tanging papel ko lamang dito ay maging pekeng mommy ni Akhie. "Kailangan Jamie,dahil hindi maiiwasan na isasama ka din n'ya sa mga dinadaluhan n'yang mga event." Sagot ni Yohan sa akin. "Gi

