Agad ko na inalis ang aking labi sa labi n'ya. Pero pagtingin ko dito ay tulog na tulog pa din ito. Tinititigan kong mabuti ang kan'yang mga mata. At nakapikit pa din ito. "Guni-guni ko lang kaya na tumugon s'ya sa aking halik sa kan'ya?" napapatanong pa ako sa aking sarili. "Kasi naman self,pigilan mo ang sarili sa kalandian. Mapapahamak tayo " Sabi ko pa sa aking sarili. Dahan-dahan na akong naglakad palayo kay sir Mayor,dahil baka mamaya magising nga ito ng tuluyan. Malaki naman ang kama. Kaya dito na lang ako sa kabilang gilid mahihiga. Nang makahiga ako ay hindi din naman ako dalawin ng antok. Kaya pabiling-biling tuloy ako sa kama. Hanggang sa abutin na ng madaling ay saka pa lamang ako nakaramdam ng antok. Ibang klase ang tama sa akin ng labi ni sir Mayor. Para lang akong na

