"Sir. ANDREW/ Ma'am Jamie, pasens'ya na po. Naabala ko kayo." nahihiyang sabi ni Manang. Kaya agad akong napatayo sa pagkakadagan ko kay Mayor. Parang gus'to ko na lang ngayon ay lamunin na ako ng lupa. Hindi ko naman akalain na s'ya ang taong gus'tong pumasok dito sa loob ng mansyon. "Ano ba ang ginagawa mo? Bakit gus'to mo akong hampasin?" malamig pa sa yelo ang tono ng boses nito. Habang tinatanong ako. Nakatayo na din ito. At nakatingin sa akin. "Ano po ba ang nangyari sa in'yo ni ma'am Jamie, sir?" Napalingon kami kay Manang na s'yang nagbukas ng mga ilaw. Bakit kasi hindi ko man naisip na hanapin muna ang switch ng ilaw. Bukas nga ay aalamin ko ang lahat ng mga switch dito. Para naman hindi na maulit pa ang nangyari ngayon. "Muntik n'ya lang naman akong hampasin ng waling tambo

