Mabilis lang na natapos ang araw. At hapon na naman. Limang oras lang naman ang inilagi ni teacher Angel dito sa mansyon ni Sir Mayor. Napapansin ko lang ang mga babaeng pumupunta dito ay lahat may angking ganda. Una ay yung si Venice na akala mo.ay girlfriend kung maka-asta. At pangalawa si teacher angel na nakakatibo ang ganda. Mabait din ito at magkasundo talaga sila ni Akhie. Nang matapos sila kanina ay nagpa-alam din agad ito. Dahil nagtuturo din pala s'ya sa isang private school. P'wede naman siguro na mag-aral dun si Akhie. Kaya lang ay ayaw ko naman mangialam. Pero try ko din na i-convince si sir Mayor, kapag med'yo matagal na ako dito. Ayaw ko naman masabihan na ke-bago-bago ko ay napaka-intrimitida ko. Baka imbes na tumagal ako ay baka bigla akong sisantihin ng amo ko. Parang

