CHAPTER:21

1207 Words

"Akhie, nand'yan na ang teacher mo." Sabi ni Manang. Kanina ay magkausap kami nito. Para malaman ko ang mga kailangan ni Akhie. Mula sa mga damit na gus'to nito hanggang sa mga pagkain na p'wede lang sa kan'ya ay sinabi na sa akin ni Manang. "Ready na po s'ya." sagot ko kay Manang. Kahit kasi sa bahay lang ito nag-aaral ay may uniform pa din s'ya. Kaya inayos ko na ang damit n'ya kanina. Inalalayan ko na itong bumaba sa kama. Inayos ko ang damit nito. "Ready ka na ba?" Sumenyas naman ito na naintindihan ko. Ngumiti ako sa kan'ya. At sinamahan ko na ito papunta sa library kung saan s'ya tuturuan ng tutor nito. P'wede naman kasi s'yang mag-aral sa isang private school para naman kahit paano ay nakakahalubilo pa din s'ya sa ibang mga bata. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ng dad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD