Chapter 2 Lily's Pov Palakad lakad ako na hindi mapakali sa sala habang iniisip ang sinabi ni Liam sa akin. Hawak ko ang aking mga kamay habang nanginginig sa takot. Nakatatak sa isipan ko pa ang mga nangyari kahit ilang taon na din ang nakalipas. Pilit kong kalimutan pero bumalik pa rin sa aking mga alaala ang nangyari kung paano ako binaboy ni Liam. Tumutulo ang mga luha ko pag naalala ko ang lahat na nangyari sa akin. “Mommy bakit po kayo umiiyak?”tanong ni Hope sa akin. Hindi ko namalayan nakita niya pala akong umiiyak. “Ah, wala baby napuling lang si mommy.” Sabay pahid ako sa mga luha ko “Mommy may kinalaman ba yan sa bad guy kaninang tanghali po?” Tanong niya sa akin. Alam kong matalino si Hope kaya madaling makaramdam at ang bilis niyang maka catch up hindi na ako magtata

