bc

Apoy sa Langit (SSPG)

book_age18+
1.6K
FOLLOW
16.5K
READ
billionaire
love-triangle
family
HE
fated
independent
heir/heiress
bxg
genius
loser
office/work place
abuse
poor to rich
multiple personality
brutal
wild
like
intro-logo
Blurb

❗SPG❗MATURED CONTENT❗Isang simple na babae si Lily Santos. Mabait, maganda at seryoso sa kanyang trabaho. Hanggang sa nangailangan siya ng trabaho para sa mga kapatid niya, kailangan niyang magtrabaho sa malayo. Napunta siya sa pamilyang Alvarez at doon ay maninilbihan siya sa tatlong anak ni Mrs. Alvarez. Ang hindi niya alam ay mga lalaki pala ang pagsisilbihan niya. Dito magsimula ang paghihirap ng buhay niya dahil sa tatlong magkakapatid na may gusto sa kanya.Makakaya kaya niyang magtrabaho sa bahay ng Alvarez kung palagi siyang pinag aagawan ng tatlong binata. Sino ang pipiliin niya sa tatlong Alvarez.

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue Umiiyak mga kapatid ko habang nagtatalo sila nanay at tatay sa harapan namin. “Puro ka pangbabae inaatupag mo hindi mo iniisip may pamilya ka ditong naiiwan.” Bulyaw ni nanay kay tatay “Napaka bungangera mo kasi lagi mo na lang ako binubungangaan pag nandito ako kahit pagod ako galing trabaho.” Sagot naman ni tatay “Pagod ka sa pangbabae mo ha Rodolfo? Tignan mo mga anak mo maliit pa hindi ka nahiya sa mga pinag gagawa mo? Animal ka kala mo hindi ko alam may nagsasabi sa akin nakita kang may kasama kang ibang babae.” Wika ni nanay kay tatay “Sino namang marites na nag kwento sayo. Walang katotohanan naman yang sinababi nila sayo huwag kang maniwala dyan.” Wika ni tatay kay nanay “Ako Rodolfo sawang sawa na ako sa mga pinaggagawa mo sa mga dahilan mo. Wala ka na ngang binibigay na pera sa amin lagi ka pang lasing pag umuuwi. Akala mo nakaka buhay yang 300 araw-araw mong binibigay Rodolfo. Isipin mo na man mga anak mo ang liliit pa nila.” Bulyaw ni nanay kay tatay “Ano ba yan napaka ingay mong babae talaga Liza puro ka dak dak putak ka ng putak yung bunganga mo.” Wika ni tatay kay nanay Ayaw mo pinagsasabihan ka animal ka! Yung mga ginagawa mo hindi ka mahiya sa mga anak mo Rodolfo.”Wika ni nanay kay tatay “Sinabi ng tumahimik ka nga dyan eh umiinit na ulo ko sayo. Gusto mo bang masaktan ha Liza sa akin.” Wika ni tatay na nagngingitngit sa galit kay nanay “Subukan mo akong saktan Rodolfo. Ano naiinis kang mapahiya sa mga anak mo ha. Kahiya hiya naman talaga ginagawa mo ngayon.” Bulyaw ni nanay sa kanya “Sinabing tama ka na eh.oh. Ito nararapat sayo bungangera ka masyado sa akin.” Wika ni tatay habang binugbog ni tatay si nanay sa harapan namin. “Aray, aray.. Hayop ka talaga Rodolfo mamatay ka na sana.” Wika ni nanay habang umiiyak na binugbog ni tatay “Nanay , tatay tama na po nagkakasakit na kayo tay. Huwag mong saktan si nanay tay parang awa mo na.” Wika ko sa kanilang dalawa. Umiiyak mga kapatid ko sa sulok sa takot nila nag bugbugan sila nanay at tatay sa harapan namin. “Alam mo Liza mas mabuti pang maghiwalay na lang tayo. Wala naman patutunguhan pagsasama natin puro ka bulyaw ng bulyaw sa akin.” Wika ni tatay kay nanay “Iiwan mo kami ng mga anak mo hindi mo iniisip maliit pa sila saan ang awa mo Rodolfo. Ano sasama ka na sa babae mo?” Wika ni nanay kay tatay “Sawa na ako sa bunga mo Liza kaya maghiwalay na tayo. Aalis na ako sa bahay na ito susuportahan ko na lang mga bata.” Wika ni tatay kay nanay “Tay, iiwan mo kami? Paano na lang kami magkakapatid tay. Maawa ka sa amin tay huwag mo kaming iwan tatay.” Wika ko kay tatay na nagmamakaawa sa kanya “Lily anak, ikaw na bahala sa mga kapatid mo. Lagi mo silang babantayan anak ikaw ang panganay. Dadalawin ko naman kayo paminsan - minsan anak huwag kayong mag alala anak mahal ko kayo . Hindi ko na matiis nanay nyo ganyang ugali anak kaya aalis na ako dito.” Wika ni tatay sa akin “Tatay, huwag mo kaming iwan tay .” Wika ko sa kanya Pumasok si tatay sa loob ng para kunin lahat ng mga damit niya at nilagay sa bag. “Rodolfo pag usapan naman natin ito. Huwag mo kami iwan mga anak mo .” Wika ni nanay kay tatay Hindi nag pa atinag si tatay umalis agad agad si tatay at iniwan na kami ng lubusan. Niyakap ko mga kapatid ko at nag siiyakan kaming apat sa gilid. Umiiyak din si nanay dahil sa pag alis ni tatay hindi niya matanggap mas pinili ni tatay sa iba na sumama dahil sa ugali ni nanay. Kinaumagahan maaga akong nagising para magluto kami ng almusal namin. Umiiyak si Bea ang pangatlo kung kapatid. “Bakit umiiyak ka Bea?” Tanong ko sa kanya “Ate, si tatay ate Lily uuwi pa ba si tatay sa atin? Gusto kung makita si tatay ate Lily.” Wika ni Bea sa akin “Bea, nagbakasyon si tatay sa ngayon . Nasa malayong lugar siya ngayon Bea. Babalik si tatay sa atin pagdating ng panahon Bea . Nandito naman si Ate Lily mag aalaga sa inyo.” Wika ko sa kapatid ko na pinaka kalma paghahanap sa tatay namin “Sana ate Lily umuwi agad si tatay ate sa atin po.” Wika ni Bea “Oo uuwi yun Bea kaya wag kang mag alala. Sige na iligpit mo na higaan doon tulungan mo si ate Mara mo.” Wika ni Lily kay Bea “Nay, kakain na po tayo nay. Bangon ka na po mag almusal na po tayo.” Wika ko kay nanay “Wala akong gana anak kaya hayaan mo muna ako ngayon.” Wika ni nanay sa akin “Nay, nandito pa kami mga anak mo sana isipin mo din kami nanay.” Wika ko kay nanay “Kumain na kayo anak. Tinatamad ako kumilos sa ngayon.” Wika ni nanay sa akin Nakalipas ng mga ilang araw. Nakita ko si nanay may kausap na lalaki sa talipapa nagkwekwentuhan mga ito. “Nay, sino po siya nanay? Bakit hawak niya po kamay mo nanay?” Tanong ko sa kanya “Ah, Anak si tito Jobert mo ito kaibigan ko.” Wika ni nanay sa akin. “Kaibigan may kaibigan bang hawak kamay mo po nanay?” Tanong ko sa kanya “Lily, anak pwede hayaan mo muna ako magpaliwanag sayo sa bahay? Pakiusap anak umuwi ka na muna Lily.”Wika ni nanay sa akin Habang naglalakad ako ng dahan- dahan narining ko sila dalawa ni nanay na pinag uusapan nila ako. “Siya ba anak mong panganay ilang taon na siya Liza?” Wika ni Jobert kay nanay “Magdi disiotso na yan sa Julyo.” Wika ni nanay kay Jobert Nakarating na ako sa bahay umupo ako sa harapan ng bahay namin.Hinintay ko si nanay umuwi at mag uusap kaming dalawa. Nang dumating si nanay ay tinabihan niya ako sa upuan at nag usap kaming dalawa. “Lily anak sana maintindihan mo si nana. Malaki ka na Lily kaya mo ng alagaan mga kapatid mo. Huwag mo lang sila pababayaan anak.” Wika ni nanay sa akin “Bakit nanay aalis ka din ba? Iiwan mo din ba kami nanay gaya ni tatay? Paano na lang kami nito pag iniwan mo din kami nay.” Wika ko kay nanay Hindi si nanay umiimik sa akin umiiyak lang siya habang katabi ako. “Sige na anak magluluto na ako ng hapunan para makakain na kayo ng mga kapatid mo.” Wika ni nanay sa akin Nagtungo si nanay sa kusina para maghanda ng hapunan namin. Pinuntahan ko mga kapatid ko habang naglalaro sila sa kapitbahay para pauwiin na sila. Ng gumabi na nag hapunan na kaming magkakapatid kasama si nanay. Masayang masaya ang tatlo kung kapatid kasi masarap ang ulam na niluto ni nanay sa amin. “Mga anak masaya ba kayo sa niluto ko mga anak?” Tanong ni nanay sa amin “Opo nanay sobrang sarap po ulam natin busog na busog ako ngayon.” Wika ni Mara kay nanay “Pati po din ako nanay busog din.” Singit din ni Bea “Sana araw- araw masarap ulam natin lagi nanay.” Wika ni Mara “Mga anak magpakabait kayo lagi bibili ako maraming ulam para sa inyo mga anak.” Wika ni nanay sa akin “Opo nanay magpapakabait po kami lagi nay basta masarap ulam namin lagi po.” Wika ni Bea “O Sige na mag hugas na kayo ng mga kamay ninyo at sa mag punas para matulog na kayo.” Wika ni nanay sa amin Naghanda na ako ng mahihigaan namin magkapatid sa papag para maka higa na sila. Naunang humiga ang bunso namin si Ron-Ron inaantok na siya dahil sa pagod niya tatakbo sa damuhan. Humiga na din ang dalawa kong kapatid inabot na din sila ng antok. Sumunod na din ako humiga sa tabi ni Ron at ipinikit ko na mga mata ko. Kinaumagahan naririnig ko iyak ni Bea nakaupo sa banig. “Oh, Bea aga mo naman umiiyak Bea. Naiihi ka ba ?” Tanong ko sa kanya “Ate Lily saan si nanay ate? Wala siya sa tabi ko pag gising ko kanina ate Lily.” Wika ni Bea sa akin “Baka bumangon na si nanay Bea. Huwag ka ng umiyak magigising si Ron-Ron.” Wika ko sa kanya Bumangon ako at nagtungo sa kusina para pumunta ng CR. Nakita ko sa mesa isang papel na natupi at pinulot ko ito at binasa. “Anak Lily, Patawarin mo ako sa pag alis ko. Sana maintindihan mo ako anak. Ikaw na bahala sa mga kapatid mo sa ngayon. Alagaan mo sila ng maigi Lily. Lalayo na muna ako magpapadala na lang ako ng pera pag naka trabaho na ako anak. Mahal na mahal ko kayo.” -Nanay “Iniwan talaga kami ng lubusan na ni nanay. Bakit ganito sila sa amin parang wala silang pakialam sa mga anak nila . Inabandona lang kaming magkakapatid ano na gagawin ko na ito. Mahal na mahal ko mga kapatid ko. Paano ko masasabi sa mga kapatid ko na wala na kaming mga magulang.” Wika ko na umiiyak mag isa sa kusina Biglang lumitaw si Mara sa kusina nakita niya akong umiiyak . “Ate Lily napano ka ate?” Wika ni Mara sa akin “Mara si nanay umalis na din iniwan na din tayo Mara.” Wika ko sa kanya “Paano na tayo ate Lily. Ano ang mangyayari sa atin ate Lily na wala na din si nanay .” Tanong ni Mara sa akin na humahagulgol sa iyak Niyakap ko siya ng mahigpit . “Ako na bahala sa inyo simula ngayon Mara . Hindi ko kayo pababayaan kahit anong mangyari ako ang mag aalaga sa inyo. Kaya taha na Mara.” Wika ko sa kanya habang niyayakap ko si Mara “Ate Lily pangako mo yan ate hindi mo din kami iiwan ate Lily?” Wika ni Mara sa akin “Oo pangako hindi ko kayo iiwan.” Wika ko kay Mara

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.2K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.2K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook