Chapter 1

1616 Words
CHAPTER 1 Lily’s Pov “Mara,asan ka na aalis na ako papuntang palengke baka ako’y mapagalitan ni Tiya Bebang may deliver pa doon bilisan mo labakara ko.” Wika ko kay Mara “Ito na ate saglit lang hinahanap ko pa sa lalagyan damit mo.Oh ito na ate yung labakara mo.” Wika ni Mara sa akin “Salamat Mara mga kapatid mo ha wag mong pababayaan si Ron-Ron huwag mong pabayaan pa takbo takbo sa labas. Kumain kayo maya pag gising nila Mara. Huwag puro laro, maghugas ng pinggan dyan mga kinainan nyo Mara.” Wika ko sa kanya nagpapaalala “Si ate Lily naman andaming inuutos sa akin?”Wika ni Mara nagmamaktol “Ganun talaga Mara sino pa ang magtutulungan tayo tayo na lang diba? Wala na tayong magulang. Limang taon na tayo iniwan nila nanay at tatay Mara kaya tayo na lang nagtutulungan para sa atin. Sige na alis na ako baka mapagalitan pa ako ni tiya Bebang sa palengke late na naman ako.” Wika ko kay Mara “Bye ate Lily mag ingat ka po pasalubong namin maya ate pag uwi mo po.” Wika ni Mara na may bilin pa sa akin Takbo ako papuntang baba para maglakad. Alas singko ng madaling araw ako umalis sa bahay para magtrabaho kay tiya Bebang sa palengke nila. Pasalamat kami kasi nandyan si tiya Bebang tumutulong sa amin papaano. Kailangan kung magtrabaho kung hindi ako mag trabaho ay magutom kaming apat. Limang taon akong nag tiyaga mag trabaho kay tiya Bebang mag buhat at nagtitinda sa palengke. Sina sahuran niya ako ng tatlong daang piso araw araw. Pinagkakasya ko ito sa mga gastusin kahit gipit pa . Nagpapadala naman minsan si tatay sa amin pero hindi parin sapat sa pag gasto sa pag aaral ng mga kapatid ko. Hindi ko na alam anong gagawin ko . “Lily,late ka na naman nandyan na mga hahakutin mo ayusin mo na baka malamog mga gulay. Dahan- dahanin mo ng hakutin para ilagay dito sa harapan.” Wika ni tiya Bebang sa akin “Opo tiya aayusin ko na po. Pasensya tiya na late ako ginising ko pa si Mara kanina.” Wika ko kay tiya Bebang “Sige na kumilos ka na dyan hakutin mo na yan.” Wika ni tiya Bebang Dinahan- dahan ko ng hinakot ang mga gulay at pinag lalagay sa maayos sa lalagyan. “Lily sipag mo talaga bata ka. Hindi ka ba napapagod magtrabaho dito iha? Wika ng isang pahinante ng mga gulay “Sanay na po ako tatang kailangan ko po magtrabaho para sa mga kapatid ko po.” Wika ko sa kanya “Dapat maghanap ka ng ibang trabaho yung hindi ka naiinitan iha sayang ganda mo talaga.”Wika ng pahinante sa akin “Ganun po pa salamat sa papuri sa akin.” Sagot ko sa kanya “Lily,yung mga may mga dahon itabi mo baka malusak.” Wika sa akin ni tiya Bebang “Opo tiya aayusin ko po ng maayos.” Wika ko sa kanya Maghapon akong nag aayos ng paninda sa palengke. Ilang oras din akong nakayuko kaka ayos ng mga gulay na delivery. Natapos na din ako magtrabaho inabot na ako ng ala sais ng gabi. Pauwi na din ako sa bahay hinihintay ko lang ibigay sahod ko. “Lily ito na sahod mo ngayon.”Wika ni tiya Bebang sa akin “Salamat po tiya. Hindi na po ako magtatagal tiya mag aasikaso pa ako sa mga kapatid ko po.” Wika ko kay tiya Bebang Nagmamadali na akong naglakad pauwi. Dumaan muna ako sa bakery para bumili ng paboritong tinapay nila. Malayo pa ako sa bahay kitang kita ko na sila naghihintay nila ako maka uwi. “Ate,,, Dito na si ate Lily.” Sigaw nila na naririnig ko. “Mga kapatid dito na si ate. Kumusta kayo dito? Hindi ba kayo pasaway kay ate Mara nyo?” Tanong ko kay Bea at Ron-Ron “Hindi naman ate Lily. Tinulungan namin si ate Mara dito sa bahay.” Wika ni Bea sa akin “Good naman itong mga kapatid ko. At dahil dyan meron akong pasalubong.” Wika ko sa kanila “Yehey… mag pasalubong kaming tinapay salamat ate.”Wika nila sa akin Kahit pagod ako masaya ako pag nakikita ko silang masaya pag binibilhan ko sila ng paboritong tinapay nila. “Sige na kain na muna kayo at ako'y mag bihis ng damit.” Wika ko sa kanila Pagkatapos kung nagbihis ay dumiresto na ako sa kusina para magluto. Bumili lang ako ng itlog para hapunan naming magkapatid. “Ate anong ulam natin?” Wika ni Bea sa akin “Ulam natin ang paboritong pritong itlog..” Wika ko kay Bea “Gusto ko malaki sa akin te Lily.” Wika ni Bea sa akin “Oo ba basta magpaka bait kayo lagi ha .” Wika ko kay Bea “Opo ate Lily promise namin po.” Wika ni Bea sa akin “Pag naka iipon ako sa sunod bibili ako lechon manok para maiba naman ulam natin.” Wika ko kay Bea “Wow, masarap yun ate kailan yun ate Lily?” Wika ni Bea sa akin “Saka na pag nakaipon na ako Bea bibili ako.” Wika ko sa kanya “Tara na tawagin mo na mga kapatid mo Bea.” Wika ko sa kanya “Kakain na tayo ate Mara.” Sigaw ni Bea sa kanila Nag salo salo na kaming magkakapatid kumain kahit itlog lang ulam namin. Pinagkasya na lang namin ulam namin na dalawang itlog. Masaya naman kaming kumain kahit ganito lang sitwasyon namin. Ng natapos na kaming kumain ay handa na sila ng mahihigaan para matulog na. “Malapit na pasukan sa school. Gusto ko mag aaral kayong tatlo.” Wika ko sa kanila “Mag aaral kami ate?” Tanong ni Mara sa akin “Oo gusto ko kayong mag aral sa sunod na pasukan . Ayukong matulad kayo sa akin.” Wika ko sa kanila “Gusto kung mag hanap ng ibang trabaho yung madagdagan kikitain ko ngayon.” Wika ko sa kanila “Paano yun te konti lang pera natin ate.” Wika ni Bea sa akin “Hahanap ng paraan si ate Lily para sa inyo para makapag aral kayo.” Wika ko sa kanila na naka ngiti sa kanila “Tulog na tayo gabi na maaga pa mag trabaho si ate bukas.” Wika ko sa kanila Sumiksik si Ron sa akin at si Bea sa kabila. Niyakap nila ako ng mahigpit. Inisip ko talaga kung paano maka ipon para sa pasukan at makapag aral na sila. Kailangan ko talaga ng iba pang trabaho para madagdagan pera ko. Inisip ko bukas ng pag out ko kala tiya titingin ako baka may ka extrahan trabaho kahit dishwasher lang sana. Kinabukasan maaga na naman ako na gising para mag asikaso na maiiwan nilang pagkain. Nagluto muna ako kung anong pagkain nila . Nag saing muna ako at nagluto ng itlog at tuyo para almusal nila. Nag init muna ako ng tubig at ininom ito para mainitan ang sikmura ko. Ang hirap ng sitwasyon namin umiikot lang pagkain namin magkakapatid sa itlog ,tuyo at noodles minsan kung anong kaya kung mabiling ulam. Ang hirap ng walang magulang gusto mong umiyak dahil hirap na hirap ka na sa sitwasyon pero tinatago ko lang dahil para sa mga kapatid ko. Hindi na nga kami kinukumusta nila nanay at tatay kung ano ng sitwasyon namin. Ang hirap kung isa sa kanila magkakasakit hindi mo alam ang gagawin. Gusto ko nalang sana mag laho pero iniisip ko paano mga kapatid ko? Tinitiis ko na lang ang pagod at hirap para sa kanila. Ginising ko si Mara para tugunan na aalis na naman papuntang palengke. “Mara,Mara, Gising ka muna pupunta na ako sa palengke mga kapatid mo Mara wag mong pabayaan. May pagkain na kayo dito . Baka mamayang gabi matatagalan ako maka uwi Mara magsaing ka na lang maya.” Tugon ko sa kanya “Opo Ate Lily ako na po bahala sa kanila ate. Ingat ka po ate Lily.” Wika ni Mara sa akin Umalis na ako sa bahay at saka nagtungo na sa palengke para mag trabaho ulit. Maaga akong nakarating sa palengke wala pang nagdedeliver ng gulay kaya nagwalis muna ako sa pwesto muna habang wala pa mga gulay . “Lily nagpadala na ba nanay mo sa inyo?” Tanong ni tiya Bebang sa akin “Wala pa po tiya. Mag tatlong buwan na po hindi na po nagpapadala sa amin po tiya.” Wika ko kay tiya Bebang “Wala talagang konsensya nanay nyo iniwan talaga kayo basta - basta. Hindi niya iniisip kawawa kayong mag kapatid. Dapat magpadala din siya sa inyo ano yun sarap buhay lang siya doon? Obligasyon nila kayo kasi mga anak kayo.” Wika ni tiya Bebang sa akin “Hindi ko na lang iniisip tiya bahala sila kung anong gawin nila. Kung magpadala sa amin o hindi masama po loob ko sa kanila. Iniwan kami ng basta- basta na lang.” Wika ko kay tiya Bebang “Ikaw tuloy ang sumalo sa obligasyon ng mga magulang mo pati sa mga kapatid mo ikaw ang tumayong magulang.” Wika ni tiya Bebang sa akin “Wala na akong magawa tiya alangan pabayaan ko mga kapatid ko tiya ayuko naman ng ganun.” Wika ko kay tiya Bebang “Nandyan na pala mga gulay Lily dahan -dahan mong hakutin.” Wika ni tiya Bebang sa akin “Sige po tiya maghakot na po ako.” Wika ko sa kanya Pumunta na ako sa malapit sa track para maghakot ng mga gulay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD