Ilang minuto na ang lumilipas ngunit nandito parin ako sa tapat ng isang pribadong kwarto dito sa ospital. Si Francisco naman ay nanatili sa likod ko. Tahimik lang siya at nakasunod sa akin. Pinanindigan niya talagang sasamahan niya ako. Ano bang dapat kong gawin? Dapat bang kumatok muna ako o buksan ko na agad ang pintuan sa aking harap? Kinakabahan ako at kanina pa ako pinagpapawisan. Nalilito na ako kung anong unang dapat gawin. Nang makakuha ng sapat na lakas ng loob at mapakalma ang sarili ay iniangat ko na ang aking kanang kamay upang kumatok, hudyat na may tao dito sa labas na kailangan nilang pagbuksan. Gayunpaman, bago pa lumapat ang aking kamay ay naiwan na ito sa ere dulot ng kusang pagbukas ng pinto or should I say, may nagbukas ng pinto mula sa loob. Sandaling namayani ang

