"Kumusta?" ani Francisco pagkalabas ko ng kwarto na kinaroroonan ni Daddy. Matapos ang titigan namin kanina ay nagpaiwan siya dito ngunit gaya ng ipinangako niya ay hindi siya umalis. Heto nga't maayos na kami ni Daddy at nandito parin siya. Pagkatapos ng mga pagpapatawad namin sa isa't-isa at mahabang kwentuhan ay sinabihan ko si Daddy na kailangan niyang magpahinga kung talagang gusto niya na sabay-sabay kaming magdaos ng bagong taon. Nakausap ko narin si Kuya Thiago. Ang dami kong nalaman. Naikwento rin ng aking kuya na limang taon na ang nakakalipas nang mawala ang kanilang ina dahil sa isang isang malubhang sakit. Magmula noon ay naging malungkutin na si Daddy. Idagdag pang pilit kong inilalayo ang loob ko sa kaniya. Mabait si Kuya Thiago at sobrang nakakagaan ng loob . Syempre ay h

