Kabanata 32

1006 Words

"Bakit ka huminto?" naguguluhang tanong ni Larel. Nandito na kami sa tapat ng bahay nila, mula dito ay kitang-kita ang mga bisita na karamihan ay kapitbahay nila. Napakamot ako sa ulo. Palagi kong kasama sila Eli kung kaya't ang mga simpleng bagay na nararapat kong gawin sa ganitong sitwasyon ay hindi ko nalilimutan pero ngayong nasa malayo sila ay lumalabas ang katotohanan na masyado akong dumepende sa kanila. Bulok talaga ako sa pakikipagkapwa tao. "Anong problema?" nag-aalalang tanong ni Larel. Tiningnan ko muna ang natatanaw kong mga bisita bago sumagot. "Wala akong regalo" ngumuso ako nang tumawa ng malakas si Larel. Nakaagaw siya ng atensiyon dahil doon. Nang mapansin na hindi lang ako ang nakatingin sa kanya ay agad siyang tumigil, isang malaking ngisi ang naiwan sa bibig niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD