“I found a love for me” “Darling, just dive right in and follow my lead” Kumakanta si Larel pagpasok ko palang ng kusina. Tapos na siyang kumain, mukhang hinihintay nalang akong makabalik. Kung kanina ay kutsara at tinidor ang hawak niya bago ako umalis ngayon ay gitara ko naman. Nakita ko siya kaninang dumaan sa may salas, hindi ko lang gaanong napagtuunan ng pansin dahil kausap ko si boy tindero. Malamang ay iyong gitara ko ang kinuha niya. Nakasabit lang naman iyon malapit sa may hagdan kanina kaya panigurado na iyon ang kinuha niya. Umupo ako sa tapat niya at ipinagpatuloy ang pagkain. “Well I found a girl, beautiful and sweet” pinanuod ko ang pagstrum niya sa gitara maging ang pagbuka ng bibig niya. “I never knew you were the someone waiting for me” nginitian ako ni Larel kaya n

