Itinigil niya saglit ang pagkain pagkatapos ay tinitigan ako. “May problema ka ba?” Ako may problema? Tinamad lang kumain may problema agad? Nginitian ko siya. “Wala” Hindi parin siya kumbinsido sa sagot ko, mukhang may gusto pa siyang sabihin pero hindi na niya iyon naituloy nang tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Nagpaalam muna ako kay Larel bago tumayo. Lumayo muna ako ng konti bago sinagot ang tawag. Hindi na ako nag-abalang tingnan ang Caller ID. Isang tao lang naman ang kilala kong araw-araw na atang tumatawag sa’kin kapag ganitong oras. “Di-ma-a-no” aniya sa kabilang. Hindi ako nagsalita. Alam naman niyang nakikinig ako. “Kumain ka na? Ako heto katatapos ko lang kumain. Medyo maaga akong natapos sa raket ko ngayon kaya ako rin ang nagluto” pagkukwento niya. Palaging gani

