“Wala ka talagang ibang plano?” Nilingon ko siya saglit. “Wala” Bumuntong hininga siya. “Labas tayo?” Umiling ako. Busy ako sa pagdedecorate nitong Christmas tree. “Kinukulong mo ang sarili mo dito sa bahay Nika” Dinampot ko ang Christmas ball na kulay pula. Hindi naman sa ikinukulong ko ang sarili ko. Kahit naman lumabas ako ay wala parin akong gagawin, sasakit lang ang paa ko. “Tara sa ilog” pamimilit niya sa kabila ng hindi ko pagpansin, tinutukoy ang malapit na ilog dito sa amin na ilang lakaran lang ang layo. Palagi namin iyong pinupuntahan nila Ria noon tuwing sabado higit lalo kapag tag-init. Humarang siya sa harapan ko. “May ginagawa ako Larel” ani ko, bahagya siyang itinulak. Bigla nalang siyang sumulpot sa harapan ko kanina habang abala ako dito sa Christmas t

