"D-Diyos ko..." hiyang-hiyang anas ni Cara at natakpan ang bibig. Kung puwede siyang lamunin ng semento para ialis sa nakakahiyang pangyayaring iyon ay ginawa na niya. Kaya lang ay napakaimposible noon. Nandoon siya mismo at pinanood ang sariling kahihiyan! "Patayin niyo 'yan! Parang awa na ninyo!" luhaang sigaw ni Cara nang tuluyang matagpuan ang sariling tinig. Mabilis niyang pinagana ang isip. Dali-dali niya pinuntahan ang LCD at napaiyak siya ng malakas ng hindi iyon maabot. Naka-ceiling mount kasi iyon at maabot lang gamit ang isang hagdan. Ni hindi tuloy niya magawang takpan o patayin ang screen! "Please! Patayin ninyo!" sigaw na niya ng hindi tumigil ang palabas. Paulit-ulit na pinangangalandakan ang mainit nilang eksena ni Judah. Doon pa lang nagawang kumilos ni Terry. Biglang-b

