"Cara? Cara?" tawag kay Cara at marahang tinapik siya sa pisngi. Napaungol si Cara at pinilit na imulat ang mga mata. Napangiwi na lang siya ng makaramdam ng hilo. Nasobrahan na naman siya ng inom nang nagdaang araw. Ni hindi na niya napansin kung anong oras nakatulog sa sofa. Sa ganoon ibinuhos ni Cara ang depresyon. Laging naglalasing. Tuluyan na siyang umalis sa B.R. Manansala Builders at hindi umalis ng Pilipinas. Nandoon lang siya sa bahay na ipinundar. Hindi na rin binalikan ng mga kapatid. She was all alone. Broken. Shattered. Damn. She didn't know where to start now. "Cara? Ano ba itong ginagawa mo?" nagaalalang tanong sa kanya. Doon na niya nabosesan iyon: ang tiyahin niya. "P-Paano kayo nakapasok?" paungol niyang tanong at dahan-dahang bumangon. Natutop niya ang ulo ng manakit

