Hindi naman nahirapang hanapin ni Judah ang bahay ni Cara. Makalipas ang isang oras ay nakaparada na siya sa tapat ng puting gate ng isang modernong bahay. Lihim napangiti si Judah. Tinupad ni Cara ang pangarap na magkaroon ng sariling bahay na moderno ang disenyo. Saglit na umapaw sa puso ni Judah ang alaala ng nakaraan at namasa ang mga mata niya. Kasabay noon ay bumilis din ang t***k ng puso niya at lalong nasabik na makaharap si Cara. Bumaba na si Judah at nag-doorbell. Lumipas ang ilang minuto, walang nagbukas ng gate. Paulit-ulit siyang nag-doorbell hanggang sa mayroong pumaradang taxi at iniluwa ang isang matandang babae. "T-Tiyang?" pigil hiningang tanong ni Judah nang makilala ang matandang babae. Napakunot ang noo nito at nang makilala siya ay gulat ang rumehistro sa mga mata.

