CHAPTER TWENTY TWO

1858 Words

"Tulog si dad." ani Jack pagkabukas nito ng pinto. Agad nang pumasok sina Judah at ina at napabuntong hininga sila sa nakitang kalagayan ng ama. Wala na ang dating matikas na katawan pati na rin ang aristokrato at matayog nitong awra. Ang laki ng ipinayat nito. Nangulubot pa ang mga balat at maputla na. Alam ni Judah na dahil iyon sa medication nito. "Wala bang makuhang kidney donor?" tanong ni Judah kapagdaka habang nakatitig sa amang tulog. Malungkot na umiling si Jack. "Sadly, none. Pero nagpapahanap pa rin kami. Sana ay may mahanap para mapahaba pa ang buhay niya." anito saka tinapik ang balikat niya. "Para naman magkaroon siya ng pagkakataong makabawi sa inyo ni mommy." Napabuntong hininga si Judah. Hindi na siya umimik. Nakatitig lang siya sa amang tulog. Ang ina rin niya ay tahim

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD