"ARE YOU okay?" marahang tanong ni Judah kay Cara. Napakurapkurap si Cara para luminaw ang paningin. Dahan-dahang bumungad sa harapan niya ang lalaki. Natuloy sa trangkaso ang sakit niya. Tatlong araw pa rin siyang nakaratay sa kama. Matyagang inaasikaso ni Judah si Cara. Ilang beses niya itong tinanggihan at binawalan pero dahil walang lakas, hindi gaanong ramdam ang kombiksyon ng pagtanggi niya. Hindi rin tuloy tumitigil si Judah sa pagaasikaso sa kanya. Doon na ito natutulog. Gayunman, sa sofa ito nahihiga. Hindi rin siya ginugulo, nilalandi o hinaharot. He was just simply taking good care of her. Gusto na siya nitong dalhin sa ospital pero tumanggi si Cara. Kilala niya ang sarili. Alam ramdam niyang hindi naman niya kailangang dalhin pa sa ospital. Pahinga lang ang kailangan niya. Is

