"Please patawarin niyo po ako." Tanging usal ko sa kanya. Wala akong magandang maisagot kundi manghingi na lang nang tawad. Ano pa ba ang magagawa ko? Kung hindi ay ang magpakumbaba lamang. "Your innocent man will rot in jail for a lifetime! Sisiguraduhin kong hindi na siya makakalaya pa para magdusa ka habang buhay dahil may inosenteng tao kang sinira ang kinabukasan!" singhal nito sa akin, bigla akong nag-panic sa sinabi niya. No way! Hindi ako papayag! Muli akong napahawak sa mga paa niya, kulang na lang halikan ko ang mga ito. "Ma'am please, nagmamakaawa po ako sa inyo, buntis po ako. Magkakaanak po kami. Hindi ko po kayang makulong siya habang buhay. Please ako na lang, I will do anything para makalaya siya. Gagawin ko po lahat ng iuutos ninyo, please maawa kayo." Umiiyak kong saa

