Chapter 23

2129 Words

Kinakabahan akong pumasok sa silid ng hotel kung saan nandoon si Marcus Myles, ang ama ko. Siya na lang talaga ang naiisip kong makakatulong sa akin, kilala at marami ring kapit si daddy kaya alam kong mapapalaya nito si Orris. Alam kong galit ito sa akin pero hindi niya naman siguro ako matitiis, anak niya pa rin ako. Sinamahan pa ako ni Cree na pumasok sa loob dahil nag-aalala rin ito sa akin. Halos napigilan ko ang paghinga nang makaharap na si daddy, nakaupo ito sa desk at kaharap ang laptop, kahit ngayon trabaho pa rin ang inaatupag nito. "Dad..." usal ko, tumingin pa ako kay Cree at muling napabaling ang atensyon ko kay daddy, ni hindi man lang ito nagtaas ng tingin. "Dad..." ulit ko, naiiyak na ako. "Who are you?" Walang emosyong sagot nito sa akin. Napatingin ako ulit kay Cree

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD