Prologue
Hoy! Tanghali na buksan mo itong pinto! "
Nagmulat ng mata si Dorcas ng marinig ang malalakas na kalampag ng pintuan niyang gawa sa lata. Bahagya siyang bumangon at sinilip ang oras sa cellphone niyang basag basag ang screen.10:30 na pala ng umaga.
Sumisilip ang ilang liwanag sa pagitan ng butas ng ilang tagpi ng kahoy at tabla kung saan siya natutulog.Yamot siyang bumangon ng hindi parin tumigil yung kalabog ng pinto.
Pupungas pungas siyang nagsuot ng brief at short.Napamura siya ng hindi na makita ang babaeng dinala niya galing sa bar kagabi. Nawala na rin ang 300 na nasa mesa na bayad niya dito.
Tumayo siya at tinungo ang ingay.Nadaanan niya ang lamesa at upuan na halos balutan na ng alikabok.Ilang plato ang nagkalat sa banggera..
Binuksan niya yung pinto.
"Aling Joy.. ano pong kailangan niyo? "
Napamaang sa kanya ang matandang babae at napalunok ng makita siya.Agad siyang ngumisi
"baka matunaw naman ako niyan aling joy"...
Bumalik ang expresyon ng ginang at napataas ang kilay. Halatang iniiwasan na nitong tignan ang hubad niyang katawan.
"bayad mo sa renta pogi! "anito at itinihaya ang palad nito sa harap niya.
Napangiwi Siya. Nabawasan na kasi ang 1,500 na pambayad niya dito dahil naipambili niya ng alak at pinambayad niya sa babae kagabi.
"Huwag mong sabihing wala ka na namang pambayad. Due date na ngayon ..kung hindi ka na naman makakabayad nako paalisin na kita dito at maraming naghahanap ng magandang puwesto.. "galit at naiilang na sabi nito.
Napalingon siya sa bahay. Maganda?. Tagpi tagpi ang bahay at plywood ang pader na halos dingding lang pagitan sa ibang kapit Bahay. May isang madilim na kuwarto, maliit na lababo ,cr ,at recycled na sala.Not to mention na nakatirik iyon sa crowded na squatters area.
Nilapit niya ng husto ang katawan niya kay aling joy hanggang tumapat ito sa batak niyang dibdib at nagpipintig na mga abs. Napansin niyang namutla ang matanda.
"Pasensya na aling Joy.Alam niyo namang delivery boy lang ako at wala pang sahod. Isusunod ko nalang ho. "
Napaatras ang babae at nabato balani sa kanya.. "S-shege. "
"Okay lang po? "
"Eke lang. Basta sa susunod meron na ah"
Nginitian niya ito ng pagkatamis tamis"thank you po"
Napahawak ito sa katawan niya at wala sa sariling naglakad palayo.
Tawang tawa si Dorcas na muling pumasok sa loob.Ahh.Good looks has it perks.
Kumuha siya ng cup at nagtimpla ng great taste white.Nilagyan niya iyon ng mainit na tubig at pa hum hum pa ng muling lumabas at sinilip ang maliit na manukan sa likod.
Nag squat siya sa isa sa mga paborito niyang texas at nagsindi ng sigarilyo.. Pinakain niya yung manok ng feeds at nagpatugtog ng rock music mula sa cellphone niya.
Kalimutan mo na yan sige sige maglibang,huwag kang magpakihabang, dapat ay itawa lang
Hinaplos niya ang balahibo ng manok.
"kain ng kain Rudy may pasabong ang sitio bukas"
Malaki na ang gastos niya sa mga manok niya kaya alagang alaga siya sa mga ito. Laging laman si Rudy ng pasabong at lagi itong nanalo .
Tumayo siya at sinabayan ang kanta.
"Ang problema sa babae dapat di iniinda. Hayaan mo sila na maghabol sayo diba.. "
"Dorcas Shot! "
Napalingon si Dorcas sa kaharap niyang bahay at nakita si Temyong sa kabilang kanal. Nakataas ang kamay nito at may hawak na kuwatro kantos.
Napangisi siya. "susunod ako Temyong"
Muli siyang pumasok sa loob ng kuwarto at isinuot ang T-shirt kagabi.Napatawa siya ng mapansin siyang may namuong katas pa doon ng babaeng hindi na niya maalala ang pangalan sa sobrang kalasingan.
Lumabas siya sa bahay at muling nakipagshot. Lahat ng babae, bata man o matanda.. Mga nagkukutuhan, naglalaro sa gilid ng kalsada, nag totong its na mga nanay. napapatingin sa kaniya. Nagmano siya sa ilang matanda sa paligid at pilit siyang hinahalikan sa pisngi ng mga ito.
"langya ka Dorcas! Mukang na ka shoot ka na naman kagabi ah! "inggit na puna sa kanya ni kiboy-barkada niya ito na walang ngipin sa harap.
"ganyan ba naman hitsura."sagot naman ni Temyong.Maitim naman ito na payat. "
Nginisian niya lang ang mga ito. Hindi siya masyadong uminom dahil may delivery siya mamaya.Isa siya sa mga delivery boy ng black arrow na madalas ay naka channel sa mga online sellers.
"Ano nabidyo mo ba?.. Pasimpling bulong sa kanya ni Temyong.. "
Kinuha niya ang cellphone at ipinanood sa mga ito ang pagsayaw ng kaulayaw niya kagabi ng walang saplot.
Nagtawanan ang mga ito at tila naka jackpot.
Ganito lagi ang umaga niya.Naglagay siya sa baso at tumungga ng alak. Uhh he's having the best life.
-----------
Gabi na ng makauwi si Dorcas. Dumaan pa sila ulit nina Temyong sa isang bar bago nagdesisyong umuwi. hindi na niya inuwi yung babae niya at ginamit nalang ito sa likod ng track ni Lolo Dindo sa kabilang kanto.Pagkatapos magkabayaran ay agad din itong umalis.
Pinagpag niya ang higaan at naghubad. Finally, sleep time..
Nasa verge na siya ng pagtulog ng makarinig ng ingay.. Hindi niya pinansin iyon at nagtakip ng tenga.. Mas lumakas yung ingay..
"tanggala! '
Batang umiiyak. kailan pa may nagkaanak sa kapit bahay niya?Sa sobrang daming anak ng mga ito balak pang dagdagan..
Umupo siya ng ilang sandali at pinakiramdaman ang ingay. Tila malapit lang ito sa bahay niya.Nagpatuloy iyon kaya napilitan siyang bumangon at hinanap yung umiiyak na bata.
Dumiretso siya sa may pinto dahil doon galing ang ingay..
Dahan dahan niyang binuksan iyon at ganon 'na lamang ang gulat niya ng makakita ng isang baby na nakabalot ng lampin sa tapat ng pintuan niya.
holy s**t!
Nilibot niya ang tingin sa paligid pero walang tao.
Wala siyang nagawa kung hindi damputin ang baby at dinala sa mga braso niya.Bahagya itong tumigil.
Isang note ang nakita niyang nakaipit sa damit ng baby at dinampot niya iyon.
"take care of our baby Dorcas.."
Tumigil ang mundo at para siyang kinidlatan.
Mabilis na lumipad yung mata niya sa mukha ng baby. Lalaki ito,meron na sigurong anim na buwan .Tumigil ang bata sa pag iyak at tumitig din sa kanya. His eyes has the shade of light and dark brown and a mixture.. Tumama ang mata ng bata at nag reflect sa ilaw.. A golden brown.
They have the same color of eyes..
What. The. f**k?!
(don't be a silent reader please.Madali kong matapos ang mga stories kung bibigyan nio ko ng kahit anong insights. Your thoughts are important ok ?..happy reading! )