Masayang pinagmasdan ni Aqua ang mag ama niya habang nakikipag habulan sa alon hindi kalayuan. Karga karga ni Dorcas si Jamie at maririnig ang cute na halakhak nito tuwing tatakbo sila palayo sa alon.. Naiwan siyang nakaupo sa banig hindi kalayuan at nakontento lang na panoorin sila. Lumingon sa kanya si Dorcas at tsaka siya kinindatan. She can watch them forever. Hindi niya akalaing ganito kaganda ang ipinahiram sa kanilang beach ng amo ni Dorcas. Malinis, puti ang buhangin ,asul ang dagat at sobrang pribado.Walang ibang tao doon maliban sa kanila. "Aqua!!! Tara na! " Kinawayan niya si Kiboy at ilan pa nilang kasama habang kumakampay.. Masaya silang naghahabulan sa gilid ng dagat .Si aling joy naman at yong asawa niya ang siyang naghanda ng pagkain. Ayon sa attendant,puwede daw silan

