Muling kinabahan si Aqua ng makapasok sa condo ni Dallas.Kumain muna sila ng barbeque sa paborito niyang stall gaya ng promise niya dito at tsaka sila umuwi.Ilang beer din ang tinungga niya kanina ng hindi nito nalalaman .Pampalakas din ng loob. Kanina pa siya kabado pero yong lalaki go with the flow.Kain lang ng kain at tila normal lang dito ang lahat ..gaya ng dati. Malamang..siya lang naman itong may masamang binabalak. Pinagkuskos niya ang dalawang palad.Nagshower si Dallas at naiwan siya sa malawak na sala ng condo nito. Paano nalang kung nireject siya nito? Nakakahiya pero hindi naman siguro masisira ang pagkakaibigan nila.Pero hindi siya puwedeng mareject.Kahit semilya lang okay na.May pera naman na siya para magpa surrogate. Semilya lang Dallas..Kahit isang patak lang.Yon na

