XVIII

2461 Words
CHAPTER EIGHTEEN "BAKIT nag-abala ka pa? Nakakahiya na sa'yo, Doc," sabi ni Sonja nang samahan niya sa mesa si Eugene. Naging bisita na naman niya ito sa coffee shop nila at dinalhan siya ng mga prutas at vitamins para sa kanila ng baby niya. Mag-aapat na buwan na ang tiyan niya. "Bakit mo ba 'ko tinatawag na 'Doc'? Hindi ba pwedeng 'Eugene' na lang?" nakangiting tanong naman ni Eugene. "Mas awkward kapag tinawag kita sa first name mo lang. Para mo na kaya akong anak," biro naman niya. "Sige, 'Doc' na lang." Natawa naman siya. "Okay ka lang ba?" sumeryosong tanong pa ni Eugene. "Oo naman. Tatlong linggo ko nang hindi nakikita ang ama ng anak ko. Okay pa naman ako," napakibit-balikat na tugon niya. "Kung sakaling kinalimutan ka na niya, nandito lang ako, ha." "Mahal ako n'on," pakli niya. "Pero... salamat, Doc. Kasi napakabuti mong kaibigan sa 'kin." "Kahit busted ako." "Kahit busted ka. Thank you. Ninong ka, ha," sabi pa niya. Natawa naman si Eugene. "Ano ba 'yan? Walang choice para tumanggi." Napatingin si Eugene sa relong pambisig nito. "Oops, kailangan ko nang pumasok ng ospital." "Pero maaga pa." "Mas maagang dumadating ang mga pasyente ko," nakangiting sagot naman nito. Napangiting tumango naman si Sonja. Sana magkaroon na rin ng sariling pamilya nito si Eugene. Inihatid pa niya ang kaibigan sa labas ng coffee shop. "Maraming salamat ulit, Doc," nakangiting paalam niya rito. "Salamat sa libreng kape. Huwag mong kalimutan ang vitamins mo, Mrs. Yap." Sumaludo pa sa kanya si Eugene. Kumaway naman siya rito. Nang makaalis na ang kotse ni Eugene ay siya namang pagdating ng isang hindi pamilyar na sasakyan. Baka customer. Tatalikod na sana siya nang may tumawag sa pangalan niya. "Sonja." Gulat na napalingon siya at nakita niya si Mrs. Yap na nakababa na ng front seat. Hindi siya nakakilos sa kinatatayuan. Bakit nandoon ang nanay ni Jared? Hindi ba nito kasama ang anak nito? Ang gagong 'yon na natiis siya ng tatlong linggo? "M-mama," sambit niya nang tuluyan itong makalapit sa kanya. "Anak, kumusta ka na?" tanong nito at hinaplos ang pisngi niya. "M-mabuti po. Kayo po?" "Masaya akong makita ka." Niyakap siya nito. "Mabuti naman at okay lang kayo ng apo ko." "Pasok ho tayo sa loob," nakangiting yaya niya rito. "HINDI na natuloy ang napag-usapan nating dinner. Kapag naayos na ninyo ni Jared ang mga dapat ninyong ayusin, iyon ang unang-una nating gagawin. Okay ba 'yon?" "Okay na okay po sa 'kin," nakangiting tugon naman ni Sonja. "Kain po kayo." Nakangiting inilapag ni Sannie ang blueberry cheese cake at lemon juice sa mesa nila. "Thank you, hija," nakangiting sabi naman ni Mrs. Yap dito. "Kumusta ho si Jai?" "Do'n ka na nga," pakli ni Sonja rito. "Nagtatanong lang, e," reklamo ni Sannie. "Okay naman si Jai, hija. Sasabihin ko sa kanya na kinukumusta mo siya," natawang sagot ni Mrs. Yap. Impit namang humagikhik si Sannie at binelatan si Sonja. "Thank you po, Ma—Mrs. Yap. Alis na ho ako. Masarap 'yan. Hindi po ako ang nag-bake, e." "Thank you, Sannie," tugon naman ni Mrs. Yap. Pinaningkitan lang ni Sonja ang kapatid na nakangisi na parang timang habang papalayo. "Sinabi na raw ni James sa'yo ang lahat?" tanong ni Mrs. Yap mayamaya pa. Tumango naman siya. "Thank you for not giving me up on my son, Sonja," sabi pa nito. "Noong tinangkang magpakamatay ni Jared pagkatapos mailibing ni Kim, ang akala ko, huli na ang lahat. Hindi ako tumigil sa pagdasal noon na sana huwag Niya munang kunin ang anak ko dahil kailangan pa siya ni Jamie, kailangan ko pa siya. We sought professional help for James pero parang napakatagal niyang maka-recover. Palagi siyang binabangungot at kailangan pa niyang uminom ng gamot para makatulog. "Nang lumala ang sakit ni Javier, it became a wake up call for James. Matanda na ang daddy niya at hindi na malakas. Wala nang ibang aasahan pa ang Papa niya kundi siya lang. Three years ago, noong inaakala naming hindi pa siya okay, he took over Javier's leadership in the company. Pinatunayan niya na nakabangon na siya. Javier was so proud of his son before he passed away. Sa loob ng tatlong taong pamumuno niya, hindi niya binigo ang mga taong umaasa at naniniwala sa kanya. "Ang hinihiling ko na lang para kay James ay sana, dumating na rin ang tamang tao para sa kanya na tatanggapin siya at si Jamie. Hindi niya deserved ang mag-isa habang-buhay. Mabuting tao ang anak ko. Nagmahal lang siya at nagkamali pero hindi naman niya ginusto ang mga nangyari. "Sinasabi ko ang mga 'to sa'yo hindi para makakuha ng simpatiya kundi para malaman mo na ikaw lang ang gusto kong mag-alaga sa puso ng anak ko. Ikaw lang ang makakapagpasaya sa kanya, Sonja. So please, bear with him. Sinisikap pa niyang maging tamang lalaki para sa'yo hanggang sa mga sandaling 'to. Huwag ka sanang mainip, ha, anak?" Hinawakan ni Mrs. Yap ang kamay niya at pinisil iyon nang mahigpit. Ipinatong naman ni Sonja ang kamay niya sa kamay nito. "Salamat po at malaki ang tiwala n'yo sa 'kin. Hindi kami nagsimula ni Jared gaya ng mga ordinaryong taong nagmamahalan pero naniniwala akong meron din kaming happily ever-after. Hindi n'yo ho ba siya kasama? Hindi ba niya alam na nami-miss ko na siya? Hindi man lang niya ako naalalang tawagan o i-text man lang. Sabi niya, pakakasalan niya 'ko ngayong buwan," pagmamaktol niya. "Naiintindihan ko kung bakit naiinip ka. Ako, naiinip na rin. Pero huwag kang mag-alala. It will paid off sooner than you think." GUMAAN ang loob ni Sonja matapos makipag-usap kay Mrs. Yap. Sa totoo lang, sa nakalipas na tatlong linggo ay araw-araw at oras-oras siyang tumitingin sa labas ng shop at baka sakaling maligaw doon ang lalaking mahal niya. "Akyat ka na sa taas," sabi sa kanya ni Sanya nang gumabi na. "Kami na lang ang bahala rito ni Sannie." Nakasilip na naman si Sonja sa labas ng shop nang mga sandaling iyon at kaalis lang ng huling customer nila. "Okay," matamlay na tugon niya. "Huwag ka nang malungkot." Iniyakap ni Sanya ang braso nito sa balikat niya. "Hindi naman ako malungkot." "E bakit hindi ka pa kumikilos?" "Nakayakap ka sa 'kin, e," parang batang sagot niya. Tumawa naman ang kapatid niya. "Tatawagin na lang kita sakaling dumating si Jared." "Hindi naman darating 'yon, e." "Pero naghihintay ka pa rin. Ang gulo mo rin, e. Sige na, pasok na." "Ate," sabi pa niya. "Kayo na ba ni Keith Clark?" "Hmm?" Bumungisngis ang kapatid niya. "Hindi. Bakit?" "Kaya okay lang sa'yo na ilang linggo na kayong hindi nagkikita? Paano kung nagkataong kayo na?" "Tinatawagan naman niya ako, e. Besides, busy siya sa isang makabuluhang bagay the past few weeks." "Wow," matabang na anas ni Sonja. "Gaano ka makabuluhan?" "Sa sobrang makabuluhan, life-changing na siya." "Asus. Hindi pa pala kayo pero 'cupcake' na ang tawag niya sa'yo. Ano naman ang tawag mo sa kanya, 'icing'?" "Uy, pa'no mo nalaman?" napabungisngis na tanong ni Sanya. Umasim ang mukha ni Sonja. "Ibig mong sabihin, tama ang hula ko?" "Ang sweet niya, 'no?" "Isang tawag pa niya sa'yo ng 'cupcake', mawawalan na talaga ako ng galang." UMAKYAT sa kwarto niya si Sonja at nag-shower. Mabuti pa si Sanya, may pinatutunguhan ang pakikipaglandian kay Keith Clark. "Baby, ano ba 'yang tatay mo? Gustong-gusto talaga niyang binibitin ako," pagmamaktol ni Sonja habang minamasahe ang tiyan niya. Nakahiga na siya sa kama niya. Tatawagin na lang daw siya ng mga kapatid kung maghahapunan na. Ewan ba niya sa mga iyon. Ayaw ng mga itong pagtrabahuin siya. Makita lang siya ng mga itong may binubuhat na hindi naman mabigat, inaagaw ng mga ito sa kanya. Napapangiti na lang siya sa ka-OA-han ng mga kapatid. "Huwag lang siyang magkakamaling magpakita sa 'kin. Who you talaga siya. Magsayaw man siya nang nakahubad sa harap ko..." Napatigil si Sonja. Si Jared, magsasayaw nang nakahubad? Sandali, parang nag-init ang pakiramdam niya ro'n, a. "Sige, patatawarin ko siya kapag nagsayaw siya sa harap ko nang nakahubad. Wala, e. Marupok ang nanay mo." "Sonja!" Nakangisi si Sanya nang sumulpot ito sa pinto ng kwarto niya. "Kakain na?" tanong niya. Tumango-tango ang kapatid niya. Tinulungan pa siya nitong makababa ng kama. "Ate, kaya ko namang maglakad nang mag-isa," sabi niya. "Alam ko. Pero paano kung madapa ka? E di may sasalo sa'yo." "Ang labo mo." "Dahan-dahan," sabi pa ni Sanya nang malapit na sila sa hagdan. "Ate, naman. Ano'ng tingin mo sa—" Napatigil si Sonja nang makita kung sino ang lalaking nakaabang sa baba ng hagdan. Her heart started to pound wildly in her chest. Napakurap-kurap siya. Totoo ba itong nakikita niya? Napahawak siya sa balustre nang hagdan nang bahagyang manginig ang tuhod niya. Tama lang ang desisyon ni Sanya na alalayan siya. Si Jared ba talaga itong nakikita niya? Bakit yata merong nag-iba rito? He smiled at her and her heart melted away. "Halika na, lapitan mo na ang Prince Charming mo." Napalunok si Sonja habang dahan-dahang bumababa ng hagdan. "Maiwan ko na muna kayo. Aasikasuhin ko lang sina Jamie at Icing—este si Keith Clark—este 'yong dinner natin. Diyan na nga kayo." Kakamot-kamot pa si Sanya nang iwan sila sa sala. HINDI natagalan at nalaman din agad ni Sonja kung ano ang napansin niyang nag-iba kay Jared. Nawala na ang peklat sa mukha ni Jared bunga ng aksidente noon. Napalitan ng ng mga bago at maninipis peklat na bunga ng papahilom na sugat. He had undergone a surgery! Tiningnan niya ang isang braso nito at wala na rin ang dating peklat nito. Nakasuot ito ng V-neck na long sleeves at nakatiklop hanggang siko kaya kita niya. Napakurap-kurap si Sonja. Gustong-gusto na niya itong hawakan pero natatakot siya dahil baka hologram lang pala iyon ni Jared at bigla na lang itong maglaho. "Hi," nakangiting bati nito sa kanya. Her heart skipped a beat. Kinuha ni Jared ang kamay niya pero mabilis niya iyong binawi at pinagkrus ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib. "'Hi' mong mukha mo," mataray na tanong niya kahit na ang totoo, maiiyak na siya sa sobrang saya. "W-what did I do?" maang na tanong naman ni Jared. "What did you do? What did you do, ha, Jared?" Asar na sinuntok niya ang dibdib nito. "Ouch!" napangiwing anas nito na nasapo ang nasaktang dibdib. "Bakit ngayon ka lang? Ano'ng ginawa mo nitong nakaraang tatlong linggo at wala kang paramdam?" Itinaas nito ang mga kamay. "Magpapaliwanag ako." "Dalian mo!" Hindi umimik si Jared at pinagmasdan siya, na parang tinatantiya nito ang reaksiyon niya. "Pwede na?" tanong nito. Tinaasan lang niya ito ng kilay. "Okay." Ibinaba ni Jared ang mga kamay. "Una, nagpa... pogi ako. Para sa araw ng kasal natin, pumantay naman ako sa kagandahan mo." Umirap si Sonja kahit ang totoo, kilig na kilig na siya. "May peklat pa rin pero ang mahalaga, hindi na katulad ng dati. Pangalawa, hindi ka maniniwala. Best friends na kami ni Keith Clark." Napakamot ito ng kilay. "We were like an idiot for these past weeks. Ang dami palang preparation ang dapat gawin para sa kasal. 'Tagpuan' ang pangalan ng resort, by the way. Kung gusto mong doon na rin tayo mag-honeymoon, walang problema." Napakurap-kurap si Sonja. Ito ang naging abala sa paghahanda para sa kasal... nila? Iyon din ba ang tinutukoy kanina ni Sanya na 'makabuluhang' pinagkakaabalahan ni Keith Clark nitong mga nakaraang linggo? "B-bakit... bakit kay Keith Clark ka humingi ng tulong?" "Because he's gay. Just kidding." Jared chuckled. "Sa totoo lang, ang dami niyang magagandang idea. So, yeah, that made us best friends now." Jared playfully rolled his eyeballs ceilingwards. "I'll be forever thankful to that man. Gusto mo bang makita ang magiging bahay natin pagkatapos ng kasal? Hindi ka maniniwala, malapit lang dito sa shop n'yo 'yon." "Sa Meadow Rain Village ka bumili ng bahay?" anas niya. Ang Meadow Rain lang naman ang pinakamalapit na subdivision sa kanila at marami siyang narinig na magagandang bagay tungkol doon. Iyon lang, hindi naman siya ganoon kayaman para maka-afford ng bahay. "Jamie liked it. Mas malapit sa school niya. Pinapatawad mo na ba 'ko? Kasi isang linggo na lang ang meron tayo bago ang kasal." Sinuntok na naman niya ang dibdib nito. "What was that for?" nakangiwing reklamo na naman ni Jared. "Ginawa mo ang lahat ng 'yon habang nandito ako, mabaliw-baliw kaiisip kung napa'no ka na?" naiyak na tanong niya. "'Di ba sabi mo, patunayan kong ikaw na talaga ang mahal ko?" "Ang gusto ko lang, sabihin mo sa 'kin na itinapon mo na 'yong wedding picture n'yo ni Kimberly dahil ako na ang mahal mo." "Wedding picture?" takang ulit ni Jared. "Iyong nasa living room ng condo mo." "Nando'n pa pala 'yon?" kunot-noong sambit nito. "I can't remember the last time I took a look at it," seryoso pang dagdag nito. Tuluyan nang napahikbi si Sonja. Napatakip siya sa bibig niya at umiyak nang umiyak. She can't contain her joy and love for him anymore! "Huwag ka nang magalit sa 'kin, Sonja, please." Kinabig siya sa baywang ni Jared at ikinulong sa mahigpit nitong yakap. Agad naman niyang isinubsob ang mukha sa dibdib ni Jared at yumakap sa baywang nito. "Hindi na 'ko galit. Masaya lang ako, Jared. Masayang-masaya." "I love you, Sonja. I'm sorry for making you wait." "Hindi ko pinagsisisihang hinintay kita. I love you, too, Jared." Hinawakan ni Jared ang kanyang mukha at pinahid ang mga luha niya. He looked at her lovingly and she can't help but blush. "Bago ko makalimutan." Inilabas nito mula sa bulsa ng pantalon nito ang itim na kahitang kinalalagyan ng singsing na ibinalik niya rito noong huli silang magkita. Nagpalitan pa sila ng ngiti bago muling isinuot sa kanya ni Jared ang singsing. "Beautiful. So paano, abswelto na ba 'ko?" "Hindi pa," sabi niya at pinaningkitan ito. "Isang kondisyon na lang para okay na tayong dalawa." "Ano? Kahit ano, gagawin ko, para maging okay lang tayo," determinadong sabi naman ni Jared. "Sumayaw ka habang nakahubad." Nalaglag ang panga ni Jared. "Sabi mo, kahit ano, 'di ba?" napangising paalala ni Sonja. "Sinabi ko 'yon? Seryoso?" "Dinig na dinig kita, Mr. Yap." Sonja playfully made circular motions on his chest using her finger. Jared sucked his breath. "Kapag hindi mo ginawa, maii-stress kami ng bata." "Sige. Gagawin ko na. Do'n ka masaya, e. Kailan? Mamaya? O bibigyan mo 'ko ng time para mag-rehearse? Napabungisngis si Sonja. "Marupok ka rin, e," pang-aasar niya. "Pagdating sa'yo." Muli siyang hinapit sa baywang ni Jared at idinikit ang noo nito sa noo niya. "I love you." "I love you, too, Red." Hinaplos niya ang mukha nito. "May araw bang hindi ka gwapo?" "No'ng araw na iniwan mo 'ko." "Last mo na 'yan, ha. Ang corny, e." "Okay." Walang pasabing inangkin nito ang mga labi niya. ***WAKAS***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD