Epilogue

1116 Words
EPILOGUE "MA, I think it's done," sabi ni Jamie. Nag-angat naman ng tingin si Sonja mula sa pagkiskis sa mga nakadikit na popsicle sticks sa cardboard gamit ang sandpaper. Tapos nang pinturahan ni Jamie ang magsisilbing bubong ng bahay. Tinutulungan niya si Jamie sa school project nito. Iyon ay ang gumawa ng mga bagay gamit ang popsicle sticks. Gusto raw ni Jamie na gumawa ng popsicle sticks version ng bahay nila. Nakasalampak sila sa living room. Iyon agad ang ginawa nila ni Jamie pagdating nito galing sa eskwelahan. Grade five na ito. Ang bilis lang ng panahon. "Nice! Ang galing ni Kuya," nakangiting komento niya. "Sige na. Magpalit ka na muna at mamaya na lang natin 'to ituloy. Mag-merienda na muna tayo." "Okay!" Tumayo na si Jamie at tumakbo papunta sa kwarto nito. Sinisimulan nang iligpit ni Sonja ang ilang mga kalat sa sahig nang marinig niya ang pamilyar na busina ng sasakyan sa labas. Napangiti siya. Inagahan nga ni Jared ang pag-uwi gaya ng pangako nito sa kanila ng mga anak nila. "Dada, Dada! Mama, Dada!" "Dahan-dahan lang, Jameson!" Natawa siya nang makita ang Nanay Suzette niya na hindi magkandaugaga sa pag-alalay kay Jameson. Nanggaling ang mga ito sa kusina. Pinapakain kasi ito ng nanay niya. Hinahayaan nitong maglakad si Jameson pero nakabuka ang mga kamay nito para maagap na saluhin ang apo sakaling madapa ito. Ilang araw bago sila ikasal ni Jared ay umuwi ito galing ng Amerika at simula noon ay hindi na ito umalis pa. Gusto kasi nito na ito mismo ang mag-alaga sa mga apo nito. Nagsanib pwersa na silang magkakapatid noon para mapauwi ang nanay nila pero walang nangyari. Kailangan lang palang dumating ng pinakauna nitong apo at ito na mismo ang nagdesisyon na hindi na bumalik ng Amerika. Ilang buwan na lang at magdadalawang taon na si Jameson. Napakalikot na bata at Lola at Papa's boy pa. "Dada!" Nagtatatalon si Jameson nang makalapit sa pinto. "Saan mo nga ulit pinaglihi 'tong anak mo?" natatawang tanong ni Nanay Suzette sa kanya. "Sa energy drink ho," natawang biro naman niya. Malaking bagay ang nagawa ng presensiya ni Nanay Suzette sa tabi niya noong mga unang buwan pa lang matapos niyang manganak. She didn't know what to do. Lalo na noong nakaranas siya ng postpartum depression. Hindi siya nito pinabayaan. Lalo rin niyang minahal ang asawa niya dahil napakatiyaga nito hanggang sa tuluyan siyang maka-recover. Impit ang naging hagikhik ni Jameson nang sa wakas ay pumasok na si Jared. Meron itong hawak na box ng cake at nakasampay sa braso nito ang coat nito. "Magandang hapon po, 'Nay," bati ni Jared sa nanay niya. "Magandang hapon, anak. Akin na 'yan. Ako nang bahala." "Salamat po." Kinuha nito ang cake mula kay Jared at dinala sa kusina. "Dada!" "O, nandito pala ang mamang maliit, e. What's up?" Binuhat nito si Jameson at gayon na lamang ang hagikhik ni Jameson. Nakangiting lumapit naman si Sonja at kinuha ang coat nito. "Dada! Sa'n 'aling, Dada?" "Binilhan sina Jameson at Kuya Jamie ng cake." "'Ain ako cake, Dada?" "Siyempre naman." Humagikhik si Jameson at yumakap sa leeg nito. "Hey, gorgeous," nakangiting bati sa kanya ni Jared. Tumiyad siya para magtagpo ang kanilang mga labi. "Happy anniversary ulit," sabi nito. "Happy anniversary ulit," nakangiting tugon niya. "Gutom ka na?" "Sobra." "Hey, Dad," si Jamie. Nakapagpalit na ito ng damit. "How's your school project going on?" "Great! Ia-assemble na lang namin ni Mama." "That's good. Mauna na kayo ni Jameson sa kusina. Susunod na kami ng Mama n'yo." "Alright. Come here, Jameson." Ibinaba ni Jared si Jameson. "Come to kuya, baby." "Mama, cake!" ungot ni Jameson kay Sonja. "Yes, kain kayo ng cake, baby," nakangiting sabi niya. Hinawakan sa kamay ni Jamie sa Jameson at naglakad na ang mga ito papuntang kusina. Inakbayan naman ni Jared si Sonja at naglakad sila papunta sa kwarto. "How was your day?" tanong ni Sonja sa asawa. "Ayos naman," nakangiting sagot nito. "Ikaw? Hindi ka ba pinahirapan ni Jameson?" "Si Nanay lang," natawang sagot niya. Nang makapasok sa kwarto ay isinampay ni Sonja ang coat ni Jared sa labas ng cabinet. Nagsimula naman itong magtanggal ng mga butones ng polo nito. Simula nang magpakasal sila ni Jared ay naging full-time housewife si Sonja. Hindi na niya nai-pursue ang pangarap niyang maging recording artist pero hindi naman niya tuluyang kinalimutan ang pagkanta. Sa katunayan, nagsimula siya ng isang YouTube channel last year kung saan niya inu-upload ang cover songs niya. "Hindi ka maniniwala," nakangiti pang sabi niya nang lapitan si Jared. "Nag-e-mail sa 'kin ang representative ng YouTube. Dahil lumagpas na ng one hundred thousand ang subscribers ko, entitled na raw ako para sa silver button award!" Kumikita si Sonja sa pag-upload ng mga video niya habang kumakanta. Iyon ang dahilan kung bakit hindi siya nabo-bore kahit na sa bahay lang siya. Nagagawa pa rin niyang kumanta nang hindi umaalis. She loved her new life with Jared and the family they built. Jared wanted to have more kids in the future. Iyon din ang gusto ni Sonja. Jared was very supportive of her passion. Ano pa ba ang mahihiling niya? "Really?" manghang anas ni Jared. "Congratulations!" Hinapit siya sa baywang ni Jared at inangkin ang mga labi niya. "I am so proud of you." At muli siya nitong hinalikan. Napaungol na napahagikhik si Sonja. "May nanliligaw pa rin ba sa'yo sa comment section ng videos mo?" tanong pa ni Jared. "Wala na matapos kong i-upload ang video naming tatlo nina Jamie at Jameson. Sama ka sa 'min sa susunod?" she teased. Siya na ang nagtuloy sa pagtanggal ng mga butones nito. "Panonoorin ko na lang kayo," he said chuckling. "Hindi mo pa rin sinasabi sa 'kin ang gusto mong regalo," pag-iiba nito. "Wala talaga akong maisip, Red. Gusto ko lang ng mas mahabang time kasama ka at ang mga bata." "Sige. Mag-outing tayo kapag nagsimula na ang semestral break ni Jamie. Sana hindi busy ang mga kapatid mo." "Hindi busy ang mga 'yon basta outing ang pinag-uusapan," nakangiting sabi naman niya. "I love you, Red. Thank you so much!" "I love you, too." Napaigtad siya nang maramdaman niya ang kamay ni Jared sa zipper ng kanyang dress. Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Red," anas niya. "What?" painosenteng tanong nito, his hot minty breath fanning her face. Nag-init ang buong mukha ni Sonja. "Hinihintay na tayo ng mga bata." "Pwede naman tayong mag-double time," pilyong mungkahi ni Jared. Napabungisngis naman siya. How can she say 'no' to that? "Okay. Double time," sabi niya. May pagmamadaling naghubad ng natitira pa nitong saplot si Jared. Sa mga sumunod na sandali ay pinuno ng mga impit na ungol at deklarasyon ng pag-ibig ang silid nilang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD