CHAPTER FIVE
"SO BOYFRIEND mo na nga?" pangungulit ni Jeffree.
Iniikot na lang ni Sonja ang mga mata. Ang kulit ng kaibigan niya. Hindi muna siya pinapatapos sa pagpapaliwanag kung bakit sila magkakilala ni Jared. Gusto agad nitong tapatin niya kung ano ba talaga ang 'score' sa kanila ng lalaki.
Nasa kusina siya at naghahanda ng lunch nila. Inabot na siya ng tanghali pero mukhang hindi rin iyon namalayan ni Jared. He said she could stay as long as she wanted.
"Hindi. Hindi. Hindi. Okay na?"
"Ang bagal!"
Natawa siya.
"Ako ba dapat ang umapura? E di natakot siya sa 'kin? Ikaw talaga."
"Ate Girl naman, Jared Yap na 'yan. Pakakawalan mo pa ba?"
"Alam ko. I just wished na katulad kami ng mga normal na babae at lalaki diyan na nagde-date." Natawa pa siya. "Nagtatrabaho siya sa living room. Baka marinig niya ako."
"Well, sana nga siya na ang lalaki para sa'yo. By the way, nai-transfer ko na sa account mo ang bayad sa atin para kagabi. Lilipad naman ako sa Dubai next week. Sigurado ka, ayaw mong sumama?"
"Hindi. Kaya mo na 'yan. Thank you so much, Jeff, ha. Pasalubungin mo na lang ako ng buhangin galing sa Dubai."
"Baliw!" natawang pakli ni Jeffree. "Walang ano man. See yah!"
Nang magpaalam na si Jeffree ay inasikaso na ni Sonja ang nakasalang na ulam. Chicken afritada iyon dahil iyon ang nakita niyang pwedeng lutuin sa mga nakita niya sa ref. Hindi naman sa pagmamayabang pero masarap siyang magluto. Naghain na rin siya nang maluto na.
"It smells good." Nakatayo na si Jared sa entrance ng kusina nang patapos na siyang maghanda ng mesa.
"Alam ko. Pwede na ba 'kong maging kusinera mo?" sabi niya nang lingunin ito.
"Ikaw ang pinakamagandang kusinerang nakilala ko." Hinawakan siya ni Jared sa baywang at iniangat ang katawan niya para paupuin sa mesa.
Hindi napigilan ni Sonja ang mapabungisngis sa sinabi nito. Mukhang sinsero naman ito sa sinabi nitong maganda siya. Yumakap siya sa batok nito at inilingkis ang kanyang mga binti sa baywang nito.
"Sabihin mo lang kung nagiging distraction na 'ko sa'yo," sabi niya.
"You're a beautiful distraction, Sonja. Keep distracting me." Ipinasok ni Jared ang kamay nito sa ilalim ng T-shirt niya at hinawakan ang isang dibdib niya.
Napaigtad si Sonja nang gumapang ang kilabot sa kanyang katawan. Kahit merong bra na nakaharang sa palad ni Jared ay hindi naman iyon nakahadlang upang mag-react ang kanyang katawan, particularly her n****e. Jared kissed the back of her ear and she pressed her body against him. Napaungol si Sonja ang bumaba ang mga labi nito sa kanyang leeg.
Para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang isang batang lalaking nakatayo sa entrance ng kusina.
"May bata!" anas niya. Pagkatapos ay natutop niya ang kanyang bibig.
Naka-school uniform pa ito at kunot na kunot ang noo habang nakatingin sa kanya, na para bang trespasser siya sa paningin nito.
"What?" Napalingon si Jared at maging ito ay gulat na gulat din. "Son! What are you doing here?"
Anak ni Jared ang batang ito? Hindi niya ito nakita kaninang umaga dahil nga tanghali na siya nagising.
"Dad, I live here," he said matter-of-factly. Hindi pa rin nawawala ang kunot ng noo nito.
Tinalikuran siya ni Jared. "I mean, hindi ba dapat nasa school ka pa? Nasaan si Manang Nadia?"
"Merong meeting ang teachers kaya pinauwi na lang kami. Kausap ni Yaya Nadia sa labas iyong friend niya sa kabilang unit." Nalipat ang tingin ni Jamie sa kanya. "Who is she, Dad?"
Minabuti na ni Sonja na bumaba ng mesa.
Nakakahiya talaga!
Bakit sila kailangang mahuli ng anak nito sa ganoong sitwasyon? Sa tantiya niya ay nasa walo o siyam na taong gulang pa lang si Jamie. At napakagwapong bata nito. Kamukhang-kamukha ito ni Jared.
"This is Sonja, my friend. Sonja, this is Jamie, my son."
"You don't kiss your friend like that, Daddy," ani Jamie sa bored na tono. "Hi, Miss Sonja. I hope you don't mind I'm here." Nakakrus ang mga braso sa tapat ng dibdib na naglakad si Jamie palapit sa mesa.
Napangiwi siya. Hindi man lang siya nito nginitian.
"You didn't leave for work, Dad?" tanong ni Jamie nang makaupo na ito.
"I can work here."
Ipinaghila ni Jared ng upuan si Sonja. Nginitian naman niya ito at naupo na. Kumuha ito ng pinggan at kubyertos at inayos sa harap ni Jamie.
"You look like you're working so hard."
"Jamie, don't give me that tone." Umupo na rin si Jared sa tabi niya. "You're forgetting how young you are."
"Dad, you're overreacting."
Ipinaglagay nito ng kanin at ulam si Jamie. Tahimik namang kumain ang bata. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Sonja sa mag-ama. Nagtatalo ba ang mga ito? Hindi halata. Ang cute tingnan ng mga ito!
"This is so good," komento ni Jamie.
"Salamat," napangiting komento ni Sonja.
"I hope my daddy's not giving you a hard time, Miss Sonja." Pormal pa rin ang tono nito.
"Ano'ng ibig mong sabihin do'n?" nakataas ang kilay na tanong ni Jared.
"He overreacts most of the time," dagdag pa ni Jamie, ignoring his father.
Natawa naman si Sonja.
"ANG CUTE ng anak mo. Walang dudang nagmana siya sa'yo," nakangiting komento ni Sonja.
Umiinom na sila ng coffee float sa isang convenience store sa baba lang ng condo. Niyaya ni Jared si Jamie pero gagawa pa raw ito ng homework nito. Ihahatid siya ni Jared pauwi gaya ng dati.
"Hindi lang ikaw ang nagsabi niyan. Ang akala ko dati, compliment 'yon. Habang lumalaki si Jamie, I don't know. Sometimes we would just clash."
"And you would overreact."
"And I would overreact," he said in submission.
Natawa si Sonja.
"Gusto ko lang namang maging mabuting ama para sa kanya. I'm a single parent for five years now. I only want what's best for him. Hindi ko alam kung nagagawa ko ba 'yon."
"Siyempre naman. Hindi naman lalaki nang ganoon si Jamie kung hindi. Relax, Red, you're doing a great job." Pinisil pa niya ang balikat nito.
Ngumiti na rin si Jared at tumango.
"Red..." Nangalumbaba si Sonja. "I have a question."
"Ano 'yon?"
"Bakit mo 'ko hinintuan nang gabing 'yon? Marami nang sasakyan ang nilampasan lang ako. Tingin ng mga taong nakakasalubong ko, nawala na 'ko sa sarili ko. Bakit ikaw, hinintuan mo 'ko?"
Pinagmasdan ni Jared ang mukha niya. Hinaplos nito ang kanyang pisngi. Napakislot naman siya dahil sa pagkakiliti.
"It's because of the dress you wore that night," mayamaya pa ay tugon nito.
Napamaang siya. Seryoso ba ito?
"At siguro dahil mas mabait ako sa mga taong hindi ka hinintuan."
Nagsalubong ang mga kilay ni Sonja. Hindi niya alam kung seryoso ba si Jared. Tumawa na lang siya.
"Sabi mo, e." Uminom siya sa kape niya.
"What about you, Sonja? Why did you come with me that night?"
"Dahil iyon ang kailangan ko nang gabing 'yon, isang tao na magpapasilong sa 'kin dahil malakas ang ulan."
"And why did you give yourself to me? Other women would have reserved it for the man they are going to marry."
"Well..." Nagbuntong-hininga si Sonja. "Sa panahon ngayon, hindi ko alam kung nag-e-exist pa ba ang wagas na pag-ibig. Hindi na rin ako sigurado kung kailangan ko ba talaga ng lalaki sa buhay ko. Hindi ako sigurado kung gusto ko nga bang magpakasal. Pero sigurado akong gusto ko ng sex."
Natawa siya nang mapamaang si Jared. Sandali lang iyon pero hindi niya madaling makalimutan ang mukha nito. Halatang hindi nito inaasahan ang sagot niya.
"Are you crazy?" tanong nito.
"Nagiging honest lang," pakibit-balikat na sagot niya.
Pabiro nitong pinindot ang tungki ng ilong niya. Umasim naman ang mukha ni Sonja.
"How old are you, Red?" tanong pa niya.
"Thirty-seven."
"Hindi halata, ha," napangiting sabi niya.
"Thanks. What about you, Sonja?" Uminom si Jared ng kape. He seemed to like coffee float so much.
"Twenty-five."
Nasamid si Jared at natapunan pa ng kaunting kape ang mesa. Kaswal na kumuha ng tissue sa harap nila si Sonja at inialok dito. Kumuha siya ng isa pang tissue at ipinagpunas sa mesa.
"What?" parang nabinging tanong nito, hindi maipinta ang mukha.
"Ano'ng 'what'? Sabi ko, twenty-five na 'ko."
"What the f**k," he cursed under his breath.
"Ano'ng klaseng reaksiyon 'yan? It's not like you had s*x with a minor."
"You're just twenty-five. Hindi ko alam. I thought you're older," defensive na sabi nito.
Pinalaki niya ang mga mata.
"Hindi ka naman naging pedophile dahil lang mas matanda ka sa 'kin nang twelve years. Gusto mong makita ang ID ko para maniwala ka?"
"Hell, no!" mabilis na tanggi nito.
Napabungisngis si Sonja.
"Ano'ng sasabihin ng mga magulang mo kapag nalaman nila 'to?"
"Wala! Hindi nila kailangang malaman dahil matanda na 'ko. Jamie's right. May tendency ka ngang mag-overreact."
"Hindi nakakatawa, Sonja," seryosong anito.
"Ang reaction mo ang nakakatawa, Jared. Relax ka lang, okay?" Inihilig niya ang kanyang ulo sa balikat nito. "Masarap ang kape nila rito pero loyal pa rin ako sa kape namin sa Tres Mujeres. Kung hindi ka lang naman busy, ililibre kita one of these days."
Inilagay naman ni Jared ang braso nito sa balikat niya at pinahilig siya sa dibdib nito.
"What am I gonna do with you, Sonja?"
"GOOD evening, Mr. Mallari. Long time no see," masayang bati ni Sonja habang palapit sa table ng isa sa mga regular customer ng hotel.
Katatapos lang niyang kumanta at pinakiusapan siya ni Cora, ang manager doon, na i-entertain muna sandali ang matandang negosyante habang hinihintay nito si Amanda, ang kasama niyang singer din. Hindi niya alam kung ano ang real score sa dalawa pero madalas doon si Mr. Mallari para kay Amanda.
Nasa midsixties na nito si Mr. Mallari at biyudo. Si Amanda naman ay nasa kwarenta na at single parent.
"Sonja, my dear. Is it just me o blooming ka lang talaga ngayon?" tugon nito.
"Ngayon n'yo lang ho napansin?" Naupo siya sa bakanteng silya. "Magtatampo na ho ba ako?"
Natawa naman si Mr. Mallari sa kanya.
"Malakas pa rin ang sense of humor mo, hija."
"Kumusta ho ang New Zealand?" pag-iiba niya.
"It's a beautiful country, Sonja. Iyon lang, travelling felt like forever to me. Masyadong malayo. Worth it naman ang experience. At masaya ako na napakasaya ko ang anak ko sa kasal niya."
Ikinwento lang sa kanila iyon ni Amanda noong nakaraan. Isang buwan sa New Zealand si Mr. Mallari para um-attend ng kasal ng bunso nitong babae at magbakasyon na rin.
"E kayo po ni Ate Amanda, kailan kayo magpapakasal?" kantiyaw niya.
"Oh." Natawa si Mr. Mallari. Para itong nasukol. "Tanungin mo naman si Amanda kung kailan niya balak umoo."
Namilog ang mga mata ni Sonja.
"Inalok n'yo na ho siya?"
"Oo. Ilang beses na. It's just her children. Hindi pa niya alam kung paano sasabihin sa kanila. But you know what? Her children agreed to have dinner with me."
"Omigosh." Impit siyang napatili. "Congrats po!" Napapalakpak siya.
"Congrats saan?" si Amanda. Nakalapit na ito sa kanila.
"Ikaw, Ate, wala kang sinasabi sa 'kin, ha."
Natawa naman si Amanda nang tabihan nito si Mr. Mallari.
"Armand, ha."
"Si Sonja naman 'yan, Amy."
"Hmm, palusot ka pa."
Natawa na lang si Sonja sa mga ito.
"Anyway, Sonja, iyong customer doon sa table na 'yon, gusto kang makausap. Kaibigan mo raw siya." May itinuro ito sa bandang kanan nito.
Napasunod doon ang tingin ni Sonja at napasinghap siya nang makita si Jared. Meron itong iniinom na alak at nakatingin ito sa kanya. Sumikdo ang puso niya. Hindi niya mabasa ang ekspresiyon sa mukha nito. Kanina pa ba ito?
"S-si Jared." Tumayo siya. "Maiwan ko na ho muna kayong dalawa."
"Lapitan mo na, Sonja. Mukhang nagseselos, e," kantiyaw pa ni Amanda.
Natawa naman siya at kumaway sa dalawa saka iniwan ang mga ito. Hindi naman niya mapigilang kabahan habang papalapit kay Jared.